PANAWAGAN!
Sa lahat ng Punong Barangays, Brgy. Committee Chair on Environment & Solid Waste, Brgy. Secretary, Brgy. Waste Collection Team, Commercial Establishments, Industries, Institutions o mga tanggapan at sa LAHAT NG MGA RESIDENTE ng bayan ng Lingayen, nais po naming ipaalam na simula pa noong nakaraang linggo ay nagkakaroon ng clearing operation ang Waste Disposal Facility na ating pinagdadalhan ng ating mga basura sa Urdaneta City at dahil sa dami na rin ng mga truck mula sa ibat-ibang bayan ng Pangasinan at maging labas ng ating lalawigan kaya nagkakaroon ng antala at sadyang mabagal ang pagdiskarga ng ating mga basura sa nasabing pasilidad.
Kaya, muli naming hinihikayat ang lahat na makibahagi at ipakita ang MALASAKIT at KOOPERASYON upang matugunan ang ating kinahaharap na sitwasyon ngayon lalo na tungkol sa ating mga basura. Muli po kaming nananawagan sa mga dapat ipatupad at gawin ng lahat:
• Mas lalo pa po nating isapuso, paigtingin, at pag-ibayuhin ang WASTE SEGREGATION.
• Ang nabubulok tulad ng mga dahon at sanga ay ilagay sa hukay na pweding gawing pataba ng mga halaman.
• Ang mga pwedi pang pakinabangan tulad ng mga bote at lata ay ibenta sa junkshop.
• Ang RESIDUAL o walang pakinabang nalang po tulad ng mga maruruming papel at plastic ang dadalhin dito sa Central MRF, Barangay Quibaol mula sa inyong kanya-kanyang barangay. Ang mga diapers ay ipunin at pagkaisahin sa isang lalagyan o sako saka talian ng mahigpit.
• Nakikiusap din po kami na ang mga residual ay ilagay sa sako at talihan ng maayos para pansamantalang ilagak muna sa inyong bakuran. • Ilabas lamang ito tuwing schedule na ng pagkolekta ng inyong basura sa barangay ng hindi ikalat ng mga aso lalong-lalo na po ung mga malapit sa kalsada ang mga tirahan.
• Gusto din naming ipaalam sa lahat na dina po pinapayagan ng ating batas ang “open burning” o “pagsusunog”.
• Ugaliing gumamit ng bayong o eco-bag kapag namimili sa palengke upang mabawasan ang paggamit ng plastic.
#basura ko, isegregate ko;Lingayen ay aasenso!
#Say pankakasakey na amin so sikder tayo!
#Balbaleg ya Salamat!
For more information and update just always visit our FB page (Lgu Lingayen Menro) or you can contact us through our email: [email protected] and contact nos:+63 9088146020/+639165237919/+639083994466
MENRO TEAM
Click here: https://www.facebook.com/share/p/1B3NWS7yra/