Skip to main content

“PASASALAMAT”, TEMA NANG ISINAGAWANG FLAG RAISING SA BAYAN

“PASASALAMAT”, TEMA NANG ISINAGAWANG FLAG RAISING SA BAYAN
Hindi lamang ordinaryong flag raising ceremony ang ginanap ngayong umaga sa bayan ng Lingayen.
Ayon mismo kay Mayor Leopoldo N. Bataoil, araw ito ng pasasalamat at pagkilala sa iba’t ibang indibidwal. “Today we recognize the service rendered by our outgoing regional and provincial director of the PNP. We recognize the assistance from the Department of Agriculture which will help our LGU and our Iskolar Ng Bayan, in pursuing their dreams through our assistance.”
Nagsilbing panauhing pandangal ngayong araw, ika-22 ng Agosto, 2022 si BGen. Westrimundo D. Obinque,isa ring Pangasinense at outgoing regional director ng Police Regional Office 1. Ayon kay Obinque malaking bahagi si Mayor Bataoil sa kanyang karera kaya naman labis-labis ang kanyang pasasalamat at paghanga dito. “Kapag naririnig ko ang pangalang Leopoldo Bataoil ay napapatayo ako sa akin upuan, baleg so pisasalamat kod Mayor Bataoil ta anggapo ak natan ed kulan ko na anggapoy Mayor Bataoil. Sa lahat ng mga itinuro niya sa amin lalo na nung ako’y kadete pa lamang sa PMA, talagang malaking tulong sa akin”, pahayag ng opisyal.
Maliban kay Obinque ginawaran din ng certificate of recognition ng LGU Lingayen sina outgoing Pangasinan Police Provincial Office, Provincial Director PCol. Richmond L. Tadina at newly installed PD na si PCol. Jeff Fanged.
Kasabay ring iturn-over ngayong araw sa LGU Lingayen ang P2M Enhanced KADIWA ni Ani at Kita Grant Assistance mula sa Department of Agriculture Regional Field Office I na gagamitin ng lokal na pamahalaan sa pagbili ng refrigerated van.
Matapos naman ang flag raising ay itinuloy ang programa para sa distribution ng Scholarship Grant sa mga Iskolar ng Bayan ng Lingayen sa tulong ng Municipal Treasury Office, na dinaluhan ng mga Sangguniang Bayan Members sa pamumuno ni Vice-Mayor Mac Dexter Malicdem. Isa-sa ring nagbigay ng payo sa mga kabataan hinggil sa pagpapahalaga sa edukasyon sina Councilors JM Crisostomo, author ng naturang ordinansa, Coun. Jolo Lopez, chairman ng committee on Education, Culture and Arts at vice-chairman nitong si Coun. Jonathan Ramos at member na si Coun. Rod Morosi.
Nangako naman si Mayor Bataoil na lalo pang sisikaping magpatupad ng magagandang programa para sa kanyang mga kababayan sa tulong na rin ng iba’t ibang tanggapan at buong legislative department. (MIO)
📸MIO/DJEstrada/CCacondangan

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan