Skip to main content

Pasilew ed Baley na Lingayen 2025

Ramdam na ang diwa ng Kapaskuhan sa bayan ng Lingayen matapos ang matagumpay na pagdaraos ng Pasilew ed Baley 2025 at Christmas Lighting Ceremony noong December 1, 2025.
Pinangunahan ang seremonya ni Mayora Josefina V. Castañeda, kasama sina Vice Mayor Jay Mark Crisostomo, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga Department Managers, at mga kawani ng Lokal na Pamahalaan.
Pinamunuan ng mga opisyal ang countdown na nagsilbing tanda ng sabayang pagliwanag, kabilang ang plaza, Municipal Hall, at ang Giant Christmas Tree na tunay na nagbigay kulay at saya sa pagpasok ng Kapaskuhan sa Lingayen.
Sa pagliwanag ng ating bayan, nawa’y magningning ang ating sigla.

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1F7HHZiNFz/

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan