Patok na patok ang Pampublikong Aklatan ng Lingayen sa mga estudyante
July 30, 2026
Patok na patok ang Pampublikong Aklatan ng Lingayen sa mga estudyante–isang lugar kung saan unti-unting nabubuo at nagsisimula ang kanilang mga pangarap. Bilang isa sa mahahalagang pampublikong pasilidad ng Municipyo ng Lingayen, ang Lingayen Municipal Public Library ay nagsisilbing tahanan ng kaalaman at pagkatuto para sa mga mag-aaral, mananaliksik, at sa lahat ng nagnanais na palawakin ang kanilang kaalaman.
Sa makabagong panahon na napapaligiran ang mga kabataan ng teknolohiya para sa kanila, ang Pampublikong Aklatan ng Lingayen ay isang sentro ng karunungan na nagbibigay-inspirasyon, opportunidad, at pag-asa sa bawat mamamayan. 





Click Here: https://www.facebook.com/share/p/1EpnWQL52E/