PAUNAWA SA PUBLIKO
PANUKALANG SCHEDULE OF MARKET VALUES (SMV) para sa mga real property na matatagpuan sa Bayan ng Lingayen, Lalawigan ng Pangasinan (Proposed Schedule of Market Values for real properties in the Municipality of Lingayen, Pangasinan).
Alinsunod sa Republic Act No. 7160 (Local Government Code of 1991) at Republic Act No. 12001 (Real Property Valuation and Assessment Reform Act, 2024), ipinababatid sa publiko ang Panukalang Schedule of Market Values (SMV) ng mga real property sa Bayan ng Lingayen.
Ang nasabing PANUKALANG SMV ay nakapaskil mula Pebrero 11, 2026 hanggang Pebrero 24, 2026.
Ang mga panukalang market values ay batay sa mga nakalap na Sales Data at iba pang kaugnay na impormasyon at magsisilbing “uniform valuation” na gagamitin ng lahat ng ahensya ng pamahalaan para sa layunin ng valuation ng real property, alinsunod sa mga umiiral na batas at pamantayan.
Pinapaunawa rin sa publiko na ang posibleng pagtaas ng market values ay hindi nangangahulugang awtomatikong pagtaas ng buwis sa real property (real property tax o amilyar). Ang anumang pagbabago sa buwis ay daraan pa sa mga pag-aaral o Tax Impact Analysis/Studies, na siya pang susuriin at aaprubahan ng Sanggunian bago ipatupad.
Batayang Legal:
📌 Seksyon 212–219, RA 7160 – Paghahanda, paglalathala, at pag-apruba ng SMV tuwing tatlong (3) taon.
📌 Seksyon 15, RA 12001 – Pampublikong paglalathala, konsultasyon, at pagpapatibay ng market-based na SMV na naaayon sa internasyonal na pamantayan.
PUBLIC HEARINGS
February 27, 2026 and March 6, 2026
Session Hall, Sangguniang Panlalawigan
Presided by the Honorable SP Members
Open to the Public



