Skip to main content

PAUNAWA SA PUBLIKO


Bunsod ng muling pagtaas ng kaso ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa ating bayan, sa kalakhang Maynila at mga karatig probinsya, mahigpit ring ipinapaalala sa lahat na sumunod sa mga ipinatutupad na minimum health standards.

Bagamat unti-unti nang nagluwag ang mga community quarantine guidelines at muling pagbubukas ng nahintong mga negosyo, nakita natin na marami sa ating mga kababayan ang tahasang lumalabag sa pangunahing panuntunan na pagsusuot ng face mask at pag obserba sa social at physical distancing partikular sa ating palengke, mga tabing dagat at sa Lingayen Baywalk.

Kaya naman, epektibo ngayong araw inatasan ko ang ating Kapulisan at Bureau of Fire Protection na umikot at manita ng mga lumalabag dito.

Ang mga tahasang di sumusunod sa alituntunin ay ti-ticketan na o pagmumultahin base sa mga umiiral na ordinansa at pambansang kautusan.

Hinayaan natin na muling mag-operate ang mga negosyo upang manumbalik ang sigla ng ekonomiya subalit kung makukumpromiso nito ang kulusugan ng marami nating kababayan ay hindi ako mag-aatubiling ipataw ang kaukulang penalty sa mga violators. Magsilbi nawa itong babala sa bawat indibidwal at mga nagnenegosyo sa mga nabanggit na lugar.

Hindi ito kayang mag-isa ng inyong gobyerno, ito ay responsibilidad ng bawat isa.

Sama-sama tayong wakasan ang parusang dulot ng pandemya, simulan natin sa simpleng pagtalima sa mga minimum health standards.

SALAMAT SA INYONG PANG-UNAWA AT PAKIKI-ISA.

LEOPOLDO N. BATAOIL
Municipal Mayor

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan