Pinagkalooban ng LGU Lingayen ng disaster response equipment/gears ang tanggapan ng LDRRMO
Upang mas mapalalakas nito ang kakayahan sa pagsalba at pagresponde sa panahon ng kalamidad o sakuna, pinagkalooban ng LGU Lingayen ng disaster response equipment/gears ang tanggapan ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office o LDRRMO.
Ipinamahagi ang mga naturang kagamitan matapos ang isinagawang flag raising ceremony ng lokal na pamahalaan ngayong araw, Marso 14, 2022.
Kabilang sa mga ibinigay ay ang mga sumusunod:
-heavy duty headlight with charger cable (26 set)
-heavy duty flashlight with charger and body strap (8 unit)
-bolt cutter/36 inches/18 inches/12 inches ( 1 unit each)
-safety traffic baton light, rechargeable/color red & green 98 units each)
-Axe (6 units)
-extension wire heavy duty (2 units)
-megaphone (8units)
-emergency safety collapsible traffic cone (12 pcs)
-disinfectant spray with charger (4 units)
-sledge hammer (6 units)
-tactical pants/black (32 pcs)
-tactical pants/brown (32 pcs)
-safety shoes (27 pair)
-chainsaw (1 unit)
-pole saw (1 set)
-generator (2 units)
-concrete buggy, heavy duty (2 pcs)
Sinabi ni Municipal Administrator Roberto Sylim na ang mga ipinamahaging kagamitan ay malaking tulong para epektibong makatugon ang LDRRMO sa panahon ng sakuna. Bilin lamang nito na alagaan ang mga nasabing kagamitan.
Samantala, inanunsyo din ngayong araw ang pagtaas ng sahod ng mga job order employees sa munisipalidad.
Mula sa dating P250 a day, nasa minimum wage na ito ngayon at naging P340 pesos kada araw batay na rin sa ipinatutupad ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon kay Mayor Leopoldo N. Bataoil, matagal ng plano ng lokal na pamahalaan na taasan ang sahod ng mga Job Orders (JO’s) dahil kabilang umano ang Lingayen sa ilang mga LGU sa probinsya na may mababang pasahod sa mga nabanggit na empleyado ngunit isang konsiderasyon dito ang pondo ng LGU.
Dahil sa kagustuhang maiangat ito, gumawa aniya sila ng paraan katuwang ang Sangguniang Bayan upang mataasan ang pasahod sa mga nabanggit na kawani.
“We tried our best to source out funds and increase collection of taxes para magawa natin ‘tong mga ito. Let’s work together, that what I’m asking of you.”
Epektibo naman ang taas pasahod sa mga empleyado ngayong buwan ng Marso.
Paalala din ng alkalde na bagamat palapit na ang kampanya at eleksyon manatili umanong apolitical ang mga kawani alinsunid na rin sa alituntunin ng Civil Service Commission at patuloy lamang tugunan ang kanilang tungkulin sa bayan. “I will not impose anything on you, I will not even influence you. Find it in your heart, have a better judgement what is good for our town and for our peole”, giit ng alkalde. (MIO)