Pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang seremonya ng pamamahagi ng 387 Patient Transport Vehicles (PTVs)
Sa mga lokal na pamahalaan na mula sa PCSO. Isa sa mga nabigyan ay ang bayan ng Lingayen, na personal na tinangap nila Mayora Iday Castañeda at Vice Mayor Jaymark Kevin Crisostomo ang public transport vehicle o PTV ng Lingayen na ginanap sa Quirino Grandstand kahapon, Hulyo 9, 2025.
Malaki ang pasasalamat ng Local Government Unit ng Lingayen kay Congressman Mark Cojuangco sa kanyang walang sawang suporta at pagmamahal sa Distrito Dos, partikular sa kanyang inisyatibo na humiling ng pondo para sa mga proyektong makatutulong sa serbisyong panlipunan—kabilang na rito ang pagbibigay ng mga ambulansya para sa mas mabilis at maayos na serbisyong medikal sa mga mamamayan.
Laking ginhawa para sa mga residente ng Lingayen ang pagkakaroon ng karagdagang ambulansya, lalo na sa oras ng pangangailangan.
Isang hakbang pasulong tungo sa mas mabilis at mas maayos na serbisyong medikal para sa bawat Lingayenense.
Please click link for more information:
https://www.facebook.com/share/1AzFkSEjc1/