PNP DEPUTY CHIEF FOR OPERATIONS PLTGEN DUBRIA, BUMISITA SA LINGAYEN
Magiliw na sinalubong ng lokal na pamahalaan ng Lingayen sa pamumuno ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ngayong araw, ika-26 ng Hunyo 2023, sa regular Monday flag raising ceremony si Deputy Chief for Operations ng Philippine National Police (PNP), Lieutenant General Michael John F. Dubrian, bilang kinatawan ng panauhing pandangal na si PNP Chief Police General Benjamin C. Acorda Jr.
Nakiisa rin sa naturang aktibidad sina Deputy Regional Director for Administration PCOL Antonio P. Marallag Jr., Pangasinan Police Provincial Director PCOL Jeff Fanged, mga opisyal mula sa Philippine Merchant Marine Academy(PMMA) at Maritime Academy of Asia and the Pacific (MAAP), League of Municipalities of the Philippines-Pangasinan Chapter na pinangungunahan ni Mayor Bataoil, department managers, at mga kawani ng lokal na pamahalaan.
Ayon sa pinadalang mensahe ni PNP Chief General Acorda Jr., tinitiyak nito ang publiko, partikular sa bayan ng Lingayen, na kanilang maisasakatuparan ang adhikain ng kapulisan na “Serbisyong Nagkakaisa.” Ito ay sa pamamagitan ng paghahatid ng epektibo at etikal na pagpapatupad ng batas habang itinataguyod ang integridad, tamang pagbibigay impormasyon, moralidad, at pagtitiyak ng kapakanan ng mga manggagawa. Bukod pa rito, layon nilang palakasin ang kanilang ugnayan sa iba’t ibang sektor sa bansa.
Binigyan naman ng pagkilala ang panauhing pandangal bilang bagong hepe ng PNP sa pamamagitan ng mga resolusyong inihanda ng Provincial Advisory Group on Police Transformation and Development (PAGPTD) ng Pangasinan at ng Sangguniang Bayan ng Lingayen na pinangungunahan ni Vice Mayor Mac Dexter G. Malicdem na nagtatakda sa chief PNP bilang “Adopted Son of Lingayen.”
Kasabay sa naturang aktibidad ay binigyang pagkilala rin ang apat(4) na Pangasinenseng nagsipagtapos sa Maritime Academy of Asia and the Pacific (MAAP) Class of 2023 na sina:
ENS Dondre Carl A. Parsacala- Alaminos City
ENS John Lord V. Siglos- Malasiqui
ENS King Albert M. Silvestre-Malasiqui
ENS Zoren F. Legaspi- San Quintin
Gayundin din ang dalawampu’t isa (21) na kababayang kadete na magsisipagtapos ngayong Hulyo sa Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) Class of 2023 na sina:
Jerry F. Lomboy Jr. (BSMT)- Urbiztondo
Michael Andre Palomar (BSMT)- Binmaley
Kevin O Palisoc (BSMarE)- Labrador
Justin Dave C. Ofrancia (BSMT)-Alaminos City
John Joseph A. Florentino (BSMarE)- Bayambang
Asher Lachlan G. Zarate (BsMT)- Binmaley
Mark Arianne B. Tomines (BSMarE)-San Quintin
Stephen Renz Javier (BSMT)-Lingayen
Vince Ian R. Castrence (BSMT)-Anda
Christian Audrey C. Salon (BSMT)- Manaoag
De Guzman, Mark P. (BSMT)- Agno
Dulay, Hananiah James D. (BSMT) San Nicolas
Ocde, Mike Adrian T. (BSMarE)- Bolinao
Jhon Rhyzen O. Quiambao (BSMarE)- Anda
Annie Lee Fernandez ( BSMarE)- Lingayen
Rafel John De Guzman (BSMarE)- San Carlos City
Jefferson S. Jose (BSMT)- Bani
John Eric Notarte (BSMArE)- Bolinao
Mark Joseph Notarte (BSMT)- Bani
Ian Dale Arizo (BSMarE)- Bolinao
Aaron James Cayabyab (BSMT)- Bayambang
Samantala, inawit ni Bb. Alyssa Erasquin ang “Tatay kong Pulis”, para sa panauhing pandangal at sa mga magigiting at matatapang nating mga pulis sa bansa. Nag-alay naman ng wreath o bulaklak sa bantayog ni Dr. Jose Rizal ang panauhing pandangal, mga opisyales ng kapulisan sa rehiyon at probinsya, gayundin din ang mga bisita mula sa PMMA at MAAP.
Lubos ang pasasalamat ni Mayor Bataoil sa pagbisita ng panauhing pandangal sa bayan at nangakong pananatilihin ang pagsisikap ng lokal na pamahalaan sa paghahatid ng mahusay at progresibong serbisyo publiko. Dagdag riyan ay ang pagbati sa mga kababayan na nagsipagtapos at magsisipagtapos sa akademya, bilang mga susunod na force multiplier ng bansa gayundin sa kanilang mga magulang. (MIO/JMMangapot)