• Home
  • Community
  • News
  • News
  • Pormal nang inilunsad ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen ang pagdiriwang ng National Disaster Resiliency Month ngayong buwan ng Hulyo

Pormal nang inilunsad ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen ang pagdiriwang ng National Disaster Resiliency Month ngayong buwan ng Hulyo


Pinangunahan ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office o LDRRMO Lingayen ang kick off ceremony nito ngayong araw ika-7 ng Hulyo 2022 na may temang “Sambayanang Pilipino, Nagkakaisa Tungo sa Katatagan at Maunlad na Kinabukasan”.

Personal itong nilahukan ni Mayor Leopoldo N. Bataoil kasama ang mga kawani ng PNP, BFP at Municipal Special Action Team o MSAT –mga ahensyang may mandato at nakatutok sa pagresponde.

Sa maikling mensahe na ibinigay ni Mayor Bataoil, pinuri nito ang mga nabanggit na tanggapan dahil sa sipag at tiyagang ipinapakita sa kanilang trabaho. Aniya, ang kanilang mga kapabilidad at kahandaan ang siya umanong nagpapatunay ng kanilang dedikasyon sa trabaho.

Payo pa nito, ipagpatuloy lamang ang pagsasagawa ng mga seminar at training sa mga barangay tulad ng family disaster management at disaster response management, coastal clean up, at pagkakaroon ng earthquake, tsunami at flood drill.

Samantala, pasasalamat naman sa kanilang hatid na serbisyo ang inihayag ni Vice Mayor Dexter Malicdem.

“Thank you po sa service na ibinibigay niyo sa mga kababayan po natin. Ingatan ninyo din po ang inyong mga sarili. Asahan ninyo po na ang buong Sangguniang Bayan ay nakasuporta sa inyo at gagawin po namin ang lahat upang maibigay ang inyong mga pangangailangan” pahayag ng bise alkalde.
Narito ang ilan pa sa mga nakalinyang gawain bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disaster Resiliency Month:

*July 11-16 -Basic Life Support, Standard First Aid and Ambulance Operations
*July 20 – Orientation and Simulation Exercise for Vehicular Accident
*July 21-22 -Earthquake Drill Orientation & Simulation Drill
*July 25-26 -Training for BLS-CPR and Standard First Aid
*July 28-29 -Disaster Orientation
*August 1 -Water Search and Rescue Training

Contact Info

#1 Bengson Street, Lingayen, Pangasinan, 2401

Phone: (075) 632-4337 Fax: (075) 632-4337 Email: lingayen.lnb[at]gmail.com

Phone Numbers

Mayor's Office(075) 632-4337
Lingayen Police(075) 206-0042
Fire Department(075) 542-7080
LDRRMO(075) 633-5702
DILG Office(075) 542-2396

See All Phone Numbers

Facebook Page

Documents

Copyright © 2019. Municipality of Lingayen, Province of Pangasinan. All rights reserved.

POWERED BY:

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan