Skip to main content

POSIBLENG PAGTAMA NG “SUPER TYPHOON BETTY” SA BANSA, PINAGHAHANDAAN NA

Bilang paghahanda sa paparating na Supertyphoon “Betty” sa bansa, na may International name na “Mawar”, nagpulong ngayong araw, ika-26 ng Mayo, 2023 ang mga miyembro ng Lingayen Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) na pinamumunuan ni Mayor Leopoldo N. Bataoil,na kinakatawan naman ni Konsehal Jay Mark Kevin Crisostomo bilang Officer-In-Charge (OIC) ng Office of the Mayor, upang pag-usapan ang mga isinasagawang preparasyon ng mga Frontline Offices na may kaugnayan sa response, rescue, and relief operation.

Ayon sa Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO) na pinamumunuan ni LDRM Officer Clark Mamaril, bagaman nasa Blue Alert status lamang ang Lingayen, naka-alerto na ang buong pwersa ng LDRRMO katuwang ang Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), mga Barangay DRRMC’s, Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Department of Education (DepEd), iba pang departamento at ng buong LGU Lingayen sa kung anumang maaring epektong idulot ng bagyo na posible ring palakasin ng hanging habagat na magdadala ng malalakas na pag-ulan.

Kabilang rin sa pinaghahandaan ng lokal na pamahalaan ay ang rescue and relief operations sakaling ilikas ang mga kababayang nakatira sa low-lying areas patungo sa ibat-ibang evacuation centers na itinalaga sa bayan.
Inaabisuhan naman ang publiko na mag-ingat, maging alerto sa banta ng bagyo at panatilihin ang pagtutok sa mga latest weather updates. (MIO/JMMangapot)

📸Lingayen Ldrrmo/MIO

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan