
POSO LINGAYEN NAGPAALALA NA SUMUNOD SA BATAS UPANG MAKA-IWAS SA HULI AT MULTA
Muling nanawagan ang Public Order and Safety Office o POSO Lingayen sa mga motorista, na istriktong sundin ang batas trapiko na ipinapatupad sa bayan.
Ito ay upang maiwasan ang pagkakahuli at pagmumulta lalo na umano ngayong panahon ng pandemya.
Ayon kay PSMS Amador D. Nazareno III, acting chief POSO sa bayan, nakakapagtala pa rin ang kanilang tanggapan ng mga violators o mga indibidwal na hindi sumusunod sa batas.
Nangunguna sa kanilang listahan ay ang mga lumalabag sa Modified General Community Quarantine o MGCQ tulad na lamang ng pagsasakay sa tricycle ng higit pa sa dalawang katao.
Mula noong Abril 1-30, nakapagtala ang POSO ng isang daan at pitumpu’t tatlong (173) violators habang isang daan at siyamnapu’t walo naman (198) ang nahuli ng walang suot na faceshield sa pampublikong sasakyan at pamilihang bayan.
Sinundan ito ng mga violators sa mga kategorya ng driving without license na nasa isang daan at limampu’t siyam (159) at driving without helmet na isang daan at labing siyam (119).
Habang narito pa ang ilan bilang ng mga lumabag sa batas na naitala ng POSO Lingayen sa buong buwan ng Abril.
No Mayor’s Permit -31
Obstruction-21
Illegal Parking-24
Reckless Driving-6
Failure to Obey POSO-28
No OR/CR-58
Disregarding Traffic Sign-3
Unregistered Vehicle-18
No Plate Travel-17
Over speeding-2
Counter Flow-25
Involved Traffic Vehicular Accident-1
Driving with expired license-3
Arrogant Driver-3
Colorum-3
Pahayag ng POSO Lingayen, asahan na ang kanilang mas istriktong implementasyon ng mga batas trapiko sa mga susunod na araw.
Samantala, bukod sa mga batas trapiko, regular din na nagsasagawa ang POSO ng ‘Bando Publiko’ o ang pagpapaalala sa mga health protocols tulad na lamang ng pagsusuot ng facemask, faceshield at pagobserba sa social distancing.
Tumutulong din ang mga ito sa mga isinasagawang road clearing operations sa bayan. (MIO)