Skip to main content

PRE-ADOPTION AT ALTERNATIVE CHILD CARE FORUM, ISINAGAWA SA BAYAN NG LINGAYEN

Pormal ng inumpisahan ng lokal na pamahalaan ng Lingayen ang kampanya patungkol sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women and Children na may layong wakasan ang mga pang-aabusong nararanasan ng mga kababaihan.

Sinimulan ang naturang kampanya nitong ika-25 ng Nobyembre alinsunod sa Republic Act 10398 na siyang nagdeklara sa araw ng ika-25 ng Nobyembre kada taon bilang National Consciousness Day for the Elimination of VAWC.

Sa pangunguna ng Municipal Social Development Office o MSWDO, tagumpay na napasimula ang naturang aktibidad kahapon Nobyembre 25, 2024 na magtatapos hanggang sa ika-12 ng Desyembre.

Ngayon namang ikalawang araw ay isinagawa ang isang forum patungkol sa Pre Adoption and Alternative Child Care na dinaluhan ng mga barangay VAW Desk, barangay health workers, mga empleyado ng munisipalidad at iba pa.
Personal na dumalo dito si Mayor Leopoldo N. Bataoil, Vice Mayor Mac Dexter Malicdem at Councilor Rasel Cuaresma na siyang chairman ng Committee On Women, Children, Elderly, Handicapped and Family Relations.

Sa unang bahagi ng programa ay tinalakay ang Gender Responsive Case Management at ipinaliwanag din ang mga batas na saklaw ang pang-aabusong nakaaapekto sa sikolohikal, emosyonal, at pinansiyal na aspeto ng buhay ng mga kababaihan at kanilang mga anak.

Sa huling bahagi naman ng programa ay ang Domestic Administrative Adoption o tamang prosesong pag aampon. Naibahagi din ang Foster Care o ang mga hakbang pati na ng mga bagong patakaran sa pag aampon para masigurong may ligtas at maarugang pamilyang tatanggap sa mga batang ulila, inabandona, inabuso at pinabayaan.

Samantala, ibinahagi ni Mayor Leopoldo N. Bataoil na isa siya sa mga daan-daang magulang na sumailalim sa legal na proseso ng pag aampon. Nagbigay din ito ng payo sa mga mag asawang matagal nang nagsasama ngunit wala pa ring anak.

“This is my advice to parents who are childless. Go to adoption. Why? Because there is a child up there who is wanting of a family, a child who needed a home. When you raise that child, it has no big difference kung siya ay biological o adopted. That child, if you raise him or her properly, will always love you for life.” (MIO_MRVinluan/PJBayog)

MIO/GcRueda

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan