Skip to main content

Pre-Marriage Counselling, Isinagawa ng Local Civil Registrar

Sumailalim sa Pre-Marriage Orientation and Counselling ang mga magkasintahan o maglive-in partners na nakatakda sanang sumailalim sa Kasalang Bayan 2020′ ng LGU Lingayen.

Sa tatlong araw na pagsasanay, nabigyan ng lecture at inspirasyon ang mga magsing-irog na pawang sabik ng mabigyan ng basbas mula sa alkalde ng bayan na si Mayor Leopoldo N. Bataoil.

Kabilang sa mga dumalo sa nabanggit na orientation ang mga opisyal ng Municipal Social Welfare and Development Office, Local Population Office at Local Civil Registrar’s Office at nagbahagi ng kanilang kaalaman tungkol sa iba’t ibang mga sitwasyon na kinakaharap sa pag-aasawa.

Sa mensahe naman ni LCR Officer Joan Jude Lopez, sinabi nito na napakahalaga nang pagpapakasal sa buhay ng mga magkasintahan. Aniya, maituturing itong banal at sagrado kung kaya’t dapat na seryosohin at bigyan ng pagpapahalaga.

Layunin din umano ng tatlong araw na pagsasanay na i-orient ang mga kalahok hinggil sa revised manual, kanilang mga tungkulin at responsibilidad, ipaunawa sa kanila ang mga konsepto at mga pangunahing isyu hinggil sa kasarian, bigyan ng kaalaman hinggil sa standards na itinakda para sa akreditasyon ng marriage counsellors at kung paano maging epektibo sa pagsasagawa ng mandatory counselling sessions sa mga magpartner bago magpakasal.

Ang nasabing aktibidad ay nakabase sa nakasaad sa New Family Code of the Philippines, Presidential Decree (PD) 965 at Responsible Parenthood and Reproductive Health (RPRH) na mandato nitong isailalim muna ang mga mag-aasawa o magpapakasal sa Pre-Marriage Orientation and Counselling (PMOC) bago mabigyan ng marriage license bilang pagsunod sa R.A 10354 o RPRH Act of 2012. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan