“Produkto ng Barangay, Yaman ng Bayan” Tourism Fair 2025
Bilang masiglang pagdiriwang ng Buwan ng Turismo ngayong Septyembre, matagumpay na idinaos ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen, sa pangunguna ni Mayora Josefina “Iday V. Castañeda, ang kauna-unahang “Produkto ng Barangay, Yaman ng Bayan” Tourism Fair noong Setyembre 25 -26, 2025.
Pinangunahan ng Local Tourism and Cultural Affairs Office (LTCAO) ang dalawang-araw na kaganapan, ito ay ginanap sa harapan ng Munisipyo ng Lingayen.
Nagtipon sa fair ang iba’t ibang exhibitor mula sa iba’t ibang barangay ng bayan, bawat isa ay buong pagmamalaking ipinakita ang kanilang mga lokal na espesyalidad. Kabilang sa mga itinatampok na produkto ang iba’t ibang pagkain, handicrafts, artisanal goods, at iba pang malikhaing gawang-bahay.
Ang inisyatibong ito ay nagsilbing tugon sa dalawang mahahalagang layunin: una, ang pagbibigay ng mahalagang plataporma para sa mga micro at small entrepreneurs upang maipakilala ang kanilang mga produkto sa mas malawak na merkado; at ikalawa, ang pagbibigay-diin sa talino at pagkamalikhain ng mga Lingayenense.
Click here to watch: https://www.facebook.com/share/v/1GepREVGYD/