
PROTEKSYON NG MGA KABATAAN ISINUSULONG SA PAGGUNITA NG CHILD SEXUAL ABUSE AWARENESS WEEK
Nakiki-isa ang Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pamumuno ni Mayor Leopoldo N. Bataoil sa paggunita ng ika-24 na taon ng “National Awareness Week for the Prevention of Child Sexual Abuse and Exploitation” or mas kilala sa tawag na as “Child Sexual Abuse Awareness Week (CSAAW)” ngayong ikalawang linggo ng Pebrero.
Kasabay ng paggunita ay ang paalala din sa publiko lalo na sa mga magulang at mga nakakatanda na kanilang resposibilidad na protektahan ang kanilang mga anak at mga kabataan.
Kaisa din sa nasabing pagdiriwang ang Lingayen Police Station at patuloy ang kanilang kampanya o ang “information dissemination” patungkol sa kahalagahan ng pag-aalaga sa mga kabataan.
Ayon sa naturang tanggapan, hindi maaring ipagsa walang bahala ang mga kaso ng pang-aabuso kung kaya’t hinikayat ang mga kababayan na i-ulat ang mga ito sa DSWD, sa pulisya, sa iba pang kaugnay na ahensya ng gobyerno, o maging sa barangay.
Sa ganito umanong paraan ay mapapabilis ang pagsugpo sa tumataas na bilang ng iba’t ibang uri ng mga pang-aabuso at umaasa ang lokal na pamahalaan na makakamit nito ang layuning maging isang maaruga, makabata at ligtas na bayan para sa lahat.
Ang nasabing pagdiriwang ngayong taon ay may temang “WE MUST PROTECT BOYS JUST AS WE PROTECT GIRLS!”. (MIO)