PUBLIC ADVISORY March 5, 2026 Paalala sa Lahat ng Residente ng Barangay Estanza!
Ang Pamahalaang Barangay ng Estanza ay nais ipabatid sa lahat na magkakaroon ng Military Training Activity as coordinated by Mr Warren O. Viernes, 4th Infantry Batallion, sa bahagi ng karagatan ng Estanza Beach sa mga sumusunod na Petsa at Oras:
📆 March 6-7, 2026 (Biyernes hangang Sabado. Simula 6:00 p.m ng Gabi March 6 at matatapos ng March 7, 2026 at d pa cigurado ang Oras kung kailan matatapos.
📌 Layunin ng Aktibidad
Ito ay bahagi ng kanilang opisyal na research at training exercises.
📌 Ano Ang Maaring Asahan:
* Pagdating ng maraming sasakyan ng military at personnel sa ating lugar ay huwag po kayong magugulat o kaya matatakot.
* Mga maririnig na malalakas na tunog o ingay mula sa bahagi ng ating Estanza Beach
* Aktibidad na magaganap lamang sa karagatan bilang bahagi ng kanilang training simulation.
🔔Mahalagang Paalala:
Huwag po tayong mabahala at magpanik. Ang lahat ng ito ay kontrolado at bahagi lamang ng kanilang opisyal na pagsasanay.
Ang nasabing grupo ay nakipagugnayan at nakipagcoordinate sa ating Barangay, sa ating mahal na Punong Barangay Renato S.Ocampo upang masiguro na maayos, ligtas at hindi makakaabala sa komunidad ang kabilang aktibidad.
Ang paunang abiso ito ay inilalabas ng Barangay Council upang maging malinaw sa lahat ang magaganap at maiwasan ang anumang pag-aalala.
Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at pang-unawa.
Barangay Council Estanza!
Itinala ni:
Presly M Castro
Kalihim ng Barangay
Click here: https://www.facebook.com/share/p/1JdCqJXz1T/