Skip to main content

PUBLIC PRESENTATION AT STAKEHOLDER’S MEETING PARA SA CLUP AT CDP SA BAYAN, ISINAGAWA

Matagumpay ang isinagawang Public Presentation at Stakeholder’s Meeting patungkol sa binubuong vision statement ng Comprehensive Development Plan (CDP) 2027-2032 at Comprehensive Land Use Plan (CLUP) 2027-2036 ng bayan ng Lingayen ngayong araw, ika-8 ng Agosto 2024, sa Lingayen Civic Center.
 
Ang naturang aktibidad ay dinaluhan ng iba’t ibang sektor kabilang ang mga Senior Citizen, Kabataan, Agri-Aqua Industries, Person with Disabilities (PWD’s), Market Vendors, Tricycle Operators and Drivers, mga opisyales ng Barangay at Sangguniang Kabataan, public and private institutions at maging mga non-governmental organizations (NGOs) at Civil Society Organizations (CSOs).
Aktibo ring nakilahok sina SBM Rasel Cuaresma at SBM Rodulfo Morosi, gayundin ang mga department managers na pinamumunuan ni Municipal Administrator Roberto DG. Sylim, na siya ring kumatawan kay Mayor Leopoldo N. Bataoil, at ang mga kawani ng lokal na pamahalaan na kabilang sa Core Group at Planning Technical Working Team na siyang nangunguna sa pagbubuo ng CDP at CLUP sa bayan.
 
Bago pa man idaos ang aktibidad ay inilunsad ng lokal na pamaalaan, sa pangunguna ng Municipal Planning and Development Office (MPDO), ang “LingayenenSEE the FUTURE”, isang initiyatibo na mapagsama-sama ang pulso, hinaing at sentimyento ng bawat Lingayenense sa pamamagitan ng surveys, focus group discussions, interviews, consultations at iba pa. Ito ay upang direktang malaman ang mga problema, proyekto, mga dapat pagtuunan ng pansin at solusyon ng pamahalaan at maging mga aktibidad na mas makakapagpaunlad pa sa bayan.
 
Matapos ang isinagawang public presentation at makuha ang suhestyon at pananaw ng mga nagsipagdalo ay muli itong ipa-plano at isasaayos ng komite, kasunod nito ay muli itong ilalahad sa Municipal Development Council, hanggang sa ito ay maisumite sa Sangguniang Bayan para pag-apruba sa pamamagitan ng isang Resolution.
Ayon kay Municipal Administrator Roberto Sylim, ang mabusising pagbubuo ng CDP at CLUP na aktibong nilalahukan ng iba’t ibang sektor ay isang
indikasyon na ang “ownership” ng plano ay mula sa taong bayan na siyang magiging batayan at gabay ng mga susunod na administrasyon na mamumuno sa bayan at tiyak na ang mga nakapaloob rito ay para sa kapakanan ng taumbayan at ng susunod na henerasyon.
 
Ikinalugod naman ni Architect Nelco Paul Coquia, Municipal Planning and Development Coordinator, ang aktibong partisipasyon ng mga nakiisa sa aktibidad na kanilang idinaraos.
Bagaman hindi nakadalo si Mayor Bataoil sa aktibidad, tinitiyak ng alkalde na ang bawat boses ay napapakinggan, mga problema sa bayan ay sama-samang tutugunan, at ang tunay na serbisyo ay maibibigay sa publiko. (MIO/JMMangapot)
MIO/GcRueda/RCSoriano
Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan