Skip to main content

PUBLIC REMINDER OF EXISTING ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE ACROSS LUZON AND TOWN OF LINGAYEN

March 22, 2020

PAALALA SA PUBLIKO BUNSOD NG UMIIRAL NA “ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE” SA BUONG LUZON AT BAYAN NG LINGAYEN

1. 24-HOUR CURFEW
• Ang lahat ay inaatasang manatili sa loob ng kani-kanilang tahanan sa lahat ng oras maliban sa mga bibili ng pagkain at pangunahing pangangailangan ng pamilya.
• Isa (1) kada tahanan lamang ang papayagang gumawa nito sa pagitan ng mga oras na 5:00AM-8:00PM ng gabi.
• Ang mga pauwi galing sa trabaho ay kinakailangang magpresenta ng valid-ID o anumang patunay, gayundin ang mga kinakailangan lumabas para bumili ng gamot o may emergency cases.
• Manatili sa mga tahanan upang maiwasan ang “bagansiya” lalo na sa mga walang balidong dahilan sa paglabas ng bahay.

2. HOME QUARANTINE PASS (HQP)
• Ang bawat otorisadong myembro ng pamilya ay kinakailangang magsecure ng HQP bago makalabas ng tahanan, ang mga HQP ay lilimatahan ang paggamit base sa itinakda ng barangay- sa araw o oras kung kailan lamang ito maaring magamit.
• Ang HQP ay nasa diskresyon ng barangay at kinakailangang “rotational” ang paggamit sa mga mangangailangan nito. Dumulog sa inyong mga opisyal ng barangay para sa mabigyan ng pagkakataong gumamit o ma-schedule.
• Ang pang-aabuso sa paggamit ng HQP ay maaring magresulta sa pagkansela o pagbawi nito.

3. PAMILIHANG BAYAN AT IBA PANG BUSINESS ESTABLISHMENTS
• Ang pamilihang bayan ay bukas sa pagitan ng alas singko ng umaga hanggang alas syete ng gabi (5AM-7PM)
• Ang pribadong kumpanya na otorisadong magbukas tulad ng groceries at supermarkets ay pinapayuhang magpatupad ng parehong oras ng operasyon maliban sa mga parmasya at botika na papayagan ng 24-hr basis operation.
• Ang mga tindahan o sari-sari stores ay inaabisuhang iwasan at limitahan ang pagbebenta ng alak at sigarilyo.

4. TRANSPORTASYON.
• Ang lahat ng pampublikong transportasyon ay suspendido hanggang sa pagtatapos ng implementasyon ng “enhanced community quarantine”.
• Ang mga tricycle ay mahigpit na ipinagbabawal sa kakalsadahan, pampubliko man o pampribadong gamit.
• Papayagan ang single na motorsiklo ngunit hindi maari ang back ride upang makasunod sa “social distancing”
• Ang mga kumpanya na otorisado pa ring magbukas ay pinapayuhang magtakda ng service vehicle para sa kanilang mga tauhan.
• Ang mga barangay ay kinakailangang mag schedule ng libreng sakay gamit ang mga barangay patrols patungo sa bayan para sa mga may hawak lamang ng HQP.
• Inaayos na rin ang magiging transportasyon ng mga health at emergency front liners ng lokal na pamahalaan.

5. CHECKPOINT
• May checkpoint sa mga pangunahing entry at exit point ng Lingayen para masuri ang mga otorisadong maglabas-masok sa bayan.
• Ang mga barangay ay inaatasan ding magkaroon ng sari-sariling checkpoint sa kanilang nasasakupan upang malimitahan ang galaw ng mga tao sa barangay.
• Ang delivery ng essential products (karne, isda, tinapay, gulay, prutas, tubig at LPG) ay hindi dapat maantala.

6. TULONG
• Ang lokal na pamahalaan na pinamumunuan ng Crisis Management Team at inyong mga barangay officials ay nagsasagawa na ng mga hakbang upang maisa-ayos ang sistema.
• Nagsasagawa ng pulong o updating para mapag-aralan kung may mga dapat bang baguhin o ayusin sa mga sistemang inilatag sa mga nagdaang araw.
• Ang tulong ay i-aabot sa mga mahihirap nating mga kababayan, 4Ps man o hindi at mga labis na naapektuhan ng naturang krisis.
• Nakikipag-ugnayan na rin sa national agencies, mga pribadong kumpanya at indibidwal upang makapagbigay ayuda sa ating mga kababayan.
• Para sa mga nais magpa-abot ng tulong sa ating mga kababayang higit na nangangailangan, makipag-uganyan lamang po sa inyong mga barangay o sa lokal na pamahalaan.

Ang mga panuntunang ito ay kailangang ipatupad ng lokal na pamahalaan at mga barangay ayon sa kautusang ibinaba ng tanggapan ng Pangulo at ng Inter-Agency Task Force (IATF), ito ang mahigpit na bilin sa inyong mga lider. Ito ay hindi nangangahulugan nang pagkitil sa inyong karapatan o pagpapahirap bagkus ginagawa ito upang malimitahan ang kilos at paglabas sa mga kabahayan, mahigpit na tumupad sa “home quarantine” upang maiwasan ang pagkalat o pagpasok ng COVID-19 sa komunidad.

Ang kooperasyon, pagtalima, pasensiya at pagtitiis ay hinihiling sa lahat para sa kapakanan ng mas nakararami. May mga kababayan po tayo na nanatiling nasa labas ng tahanan gustuhin man nilang makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay– nagtatrabaho, nagbabantay sa daan, naghahanda ng maipapamahaging tulong, nagmomonitor at gumagamot ng mga PUM at PUI. Kaya paki-usap, ang inyong pinaka-bisa at pinamahalagang ambag ay “manatili nasa loob ng bahay” para sa mga taong nagsasakripisyo sa labas.

Iisa lamang po ang ating buhay, hindi po magiging kabawasan sa ating pagkatao kung susunod po tayo sa mga kinauukulan. Ito po ay para sa proteksyon at kaligtasan ng lahat.

LEOPOLDO N. BATAOIL
Municipal Mayor

 

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan