Skip to main content

PUBLIKO INAANYAYAHANG MAGPAREHISTRO NG COMELEC SA KANILANG MGA SATTELITE REGISTRATION AREAS


Kasalukuyang nagsasagawa ng “Satellite Voter Registration” kada barangay ang tanggapan ng Commission on Election o COMELEC Lingayen.

Dahil dito, muling hinimok ng naturang ahensya ang publiko lalo na ang mga kababayan na magparehistro na para sa nakatakdang National at Local Elections sa susunod na taon.

Isinasagawa ang satellite voter registration upang ilapit ito sa mga residente at mas maparami pa ang bilang ng mga magpaparehistro. Dito ay hindi na umano kinakailangan pang magtungo sa tanggapan ng COMELEC bagkus ay sa itinakdang lugar na lamang sa kanilang barangay.

Kinakailangan lamang na magdala ng Valid ID bilang katibayan na ikaw ay 18 years old na pataas at nakatira ng halos isang taon at anim na buwan sa inyong barangay o sa lugar kung saan boboto.

Dapat din umanong punan ang application form na madodownload sa www.comelec.gov.ph o kaya naman sa irehistro.comelec.gov.ph at makukuha sa COMELEC offices.

Hinihikayat naman na magdala ang bawat aplikante ng kanilang mga sariling ballpen.
Samantala, narito ang iskedyul ng ibang barangay para sa Satellite Voter Registration.

Brgy. Lasip – June 18, 2021
Brgy. Malawa -June 19, 2021
Brgy. Malimpuec – June 25, 2021
Brgy. Namolan – June 26, 2021
Brgy. Sabangan – July 2, 2021
Brgy. Rosario – July 3, 2021
Brgy. Talogtog – July 9, 2021
Brgy. Wawa – July 10, 2021

Para sa mga barangay na hindi nabanggit, mangyari lamang na antabayanan sa mga susunod na araw ang inyong iskedyul. (MIO)

 

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan