
RED WEDNESDAY 2020, ALAY SA MGA FRONTLINERS AT MAY SAKIT
Nakiki-isa ang Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pandaigdigang paggunita ng Red Wednesday Campaign ngayong araw, Nobyembre 25, 2020.
Taunang ginugunita ang Red Wednesday at ngayong 2020, nakasentro o alay ito para sa mga may sakit, mga health workers o frontliners, mga namatay at ginupo ng sakit na COVID-19 at maging ang mga biktima ng mga nagdaang bagyo.
Hinihikayat naman ang publiko na maki-lahok sa naturang paggunita sa pamamagitan ng pagsusuot ng pulang damit na tanda ng pagpapataas ng kamalayan, pakiki-isa at at taimtim na pagdarasal para sa lahat ng may karamdaman, para sa magigiting na frontliners at ang mga Kristyanong nakaranas ng pag-uusig saan mang dako ng mundo.
Ang kulay “pula” ay ang Christian color ng martyrdom.
Ang Red Wednesday ay inisyatibo ng grupong Aid to the Church in Need (ACN) Philippines at inendorso naman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).
Batay sa mga pag-aaral, ang mga Kristyano pa rin umano ang pinakabiktima ng religious persecution dahil sa tatlong kadahilanan: state-sponsored persecution; fundamentalist nationalism; at extremism. (MIO)