Skip to main content

REGULAR MONDAY CLEANUP AT DISINFECTION NG PALENGKE, SINIMULAN NA

Sinimulan na ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen ang paglilinis, disinfection at misting operation sa pamilihang bayan ngayong araw ika-28 ng Setyembre, 2020.

Alinsunod na rin ito sa naging anunsyo kamakailan na isasara ang naturang palengke maging ang slaughterhouse ng bayan tuwing Lunes.

Bago ang disinfection, nagsagawa muna ng paglilinis sa buong pamilihang bayan ang mga kawani ng Market and Slaughterhouse pati na ng Utility and Sanitation Team.

Una munang inalis ang mga nagkalat na mga basura bago isagawa ang flushing at scrubbing operation. Mano-mano ding nilinis ang mga putik na bumabara sa drainage, partikular na sa Meat Section ng nabanggit na palengke.

Sinundan naman ito ng masidhing disinfection ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office o LDRRMO Lingayen at Bureau of Fire Protection (BFP) Lingayen.

Ang naturang hakbang ay regular ng gagawin tuwing Lunes upang masiguro ang kaligtasan hindi lamang ng mga nagtitinda gayundin ng mga mamimili.

Patuloy naman ang paalala ni Mayor Leopoldo N. Bataoil sa publiko lalo na sa kanyang mga kababayan na panatilihin ang pagsunod sa safety measures at health protocols na ipinatutupad ng lokal na pamahalaan upang mapigilan ang pagdami ng kaso at maprotektahan ang sa rili sa banta ng COVID-19. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan