
Rehistrasyon para sa Kasalang Bayan 2020
Rehistrasyon para sa Kasalang Bayan 2020, Patuloy na Dinadagsa
Tuloy tuloy pa rin ang pagdagsa ng mga magsing irog na nais magparehistro at maging bahagi ng kauna-unahang Kasalang Bayan 2020.
Nakatakdang pangunahan ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ang nasabing programa na layong makapagbigay ng libreng seremonya ng kasal sa mga residente ng Lingayen.
Ayon kay Municipal Local Civil Registrar Officer Joan Jude Lopez, bukas pa rin ang kanilang tanggapan para sa mga nais pang humabol na magparehistro hanggang ika-3 ng Pebrero, 2020. Inihahanda na rin aniya nila ang lahat ng mga kakailanganin sa nasabing okasyon tulad na lamang ng libreng singsing, aras, cake, wine, mga tokens at marami pang iba.
Pahayag pa ng opisyal, magiging libre din umano ang solemnizing fee at marriage license fee dahil sa ang kasalang bayan ay isang pinakamahalaga sa selebrasyon ng Civil Registration Month ngayong buwan.
Ipinaalala naman nito ang mga dapat dalhin ng mga nais magparehistro tulad na lamang ng :
1. Birth certificate
2. Baptismal certificate issued for Marriage Purpose
3.Certificate of No Marriage
4. Parental Consent (for applicants 18 years of age but under 21 years old)
5. Parental advice ( for applicants 21 years of age but under 25 years old)
6. Pre Marriage Orientation and Counseling Certificate
7. Applicant’s ID
8. One 2×2 picture
9. Birth Certificate of Children (if any)
10. Affidavit of Cohabitation with Corroborative Statement (Notarized)
Sa ngayon, tinatayang nasa siyamnapu (90) na ang bilang ng mga matagumpay na nakapagparehistro sa Kasalang Bayan 2020. Nakatakda itong ganapin sa Municipal Plaza ng bayan sa darating na Pebrero 20, 2020.
Ito ang kauna-unahang malakihang mass wedding na isasagawa sa ilalim ng Bataoil administration.