Rehistro Bulilit
Sa kabila ng maulang panahon tuloy ang isinagawang “Rehistro Bulilit” para sa mga chikiting na nasa edad 1-4 na taong gulang ng Philippines Statistics Authority (PSA) PHILSYS PANGASINAN sa Lingayen Civic Center (LCC) ngayong araw.
Pinangunahan naman ni Lingayen OIC Mayor, VM Mac Dexter G. Malicdem ang pag-anyaya sa mga kababayan na samantalahin ang pagkakataong walang pasok ang mga bata sa eskwelahan at iparehistro sa National ID System.
Maliban sa registration, may libreng dental at medical check up din at soup kitchen na handog ng Provincial Government. Nag-enjoy din ang mga bulilit sa coloring activity section at iba pang mga pakulong inihanda ng PHILSYS PANGASINAN.
Samantala, binuksan din ang pagpaparehistro ng National ID para sa lahat ng edad na nagtungo sa LCC. Umantabay naman sa mga anunsyon dito sa Lingayen Information Office facebook page, kung kailan muli magkakaroon ng registration sa bayan ng Lingayen. (MIO)
MIO/JMMangapot/RCSoriano