Relief Operation ng Provincial Government ng Pangasinan Para sa mga Kababayang Naapektuhan ng Bagyong Maring sa Barangay Rosario, Lasip, Wawa at Malawa
Umarangkada na ngayong araw ang relief operation ng Provincial Government ng Pangasinan sa pamumuno ni Governor Amado “Pogi” Espino III at ni 2nd District Congressman Jumel Anthony Espino sa mga Barangay ng Rosario, Lasip, Wawa at Malawa sa pakikipagtulungan ng LGU Lingayen sa liderato ni Mayor Leopoldo N. Bataoil, para sa mga kababayang naapektuhan ng nagdaang bagyong Maring sa bayan ng Lingayen. Inaasahan namang makatanggap na rin ang iba pang households sa iba’t ibang barangay ng Lingayen sa mga susunod na araw.