RESPONDERS SA BAYAN NG LINGAYEN DUMAAN SA PANIBAGONG PAGSASANAY

RESPONDERS SA BAYAN NG LINGAYEN DUMAAN SA PANIBAGONG PAGSASANAY
Naging malapit sa katotohanan ang isinagawang Airport Full Scale Simulation Exercise o SIMEX ng pamunuan ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO) katuwang ang Local Disaster Risk Reduction and Management Office o LDDRMO Lingayen at Bureau of Fire Protection (BFP) Lingayen.
Bahagi ng isinagawang pagsasanay ay ang kunwaring pag-crash ng isang eroplano kung saan nagtamo ng injury ang piloto at co-pilot nito. Dito na nasubok ang kakayahan ng mga responders o ang mga itinuturing ding frontliners sa bayan.
Unang rumesponde ang fire unit na agad nagsagawa ng fire suppression sa nagliliyab na eroplano. Sunod ay ang rescue team at medical team ng LDRRMO Lingayen na agad sumaklolo sa mga injured na indibidwal.
Layunin ng isinagawang pagsasanay na madagdagan ang kaalaman ng lahat ng tauhan ng PNP airport kasama na ang mga rescue teams upang maging alerto ang mga ito sa anumang hindi inaasahang insidente sa loob at labas ng naturang paliparan.
Ginawa din ito upang hindi na umano maulit pa ang nangyaring plane malfunction noong nakaraang taon kung saan binawian ng buhay ang isang pilot instructor habang nagtamo naman ng malalang pinsala sa katawan ang estudyante nito matapos na bumagsak ang sinasakyang training aircraft sa isang palaisdaan sa Alaminos City.
Parehong insidente din ng plane malfunction ang nangyari naman sa bayan ng Sual at sa kabutihang palad ay nasa mabuting kalagayan ang dalawang pasahero nito.
Sinaksihan mismo ni Police Captain Arnel Aquino ng PNP Airport ang nasabing simulation exercise kung saan ikinatuwa nito ang liksi at sapat na kaalaman ng mga responders sakali mang magkaroon ng insidente o aksidente na kasasangkutan ng isang eroplano. (MIO)
📸Lgu Lingayen Ldrrmo/ Ldrrmo Lingayen

Contact Info

#1 Bengson Street, Lingayen, Pangasinan, 2401

Phone: (075) 632-4337 Fax: (075) 632-4337 Email: lingayen.lnb[at]gmail.com

Phone Numbers

Mayor's Office(075) 632-4337
Lingayen Police(075) 206-0042
Fire Department(075) 542-7080
LDRRMO(075) 633-5702
DILG Office(075) 542-2396

See All Phone Numbers

Facebook Page

Documents

Copyright © 2019. Municipality of Lingayen, Province of Pangasinan. All rights reserved.

POWERED BY:

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan