
ROAD SAFETY INITIATIVE NG LGU LINGAYEN KINILALA NG LTO
Pinarangalan ng Land Transportation Office o LTO ang Lokal na Pamahalaan ng Lingayen bilang isa sa mga LGUs na mahigpit na nagpapatupad ng Road Safety Programs sa buong Rehiyon Uno.
Ang parangal ay ibinase sa Road Safety Partnership ng LTO at mga LGUs kung saan dalawa sa kategorya nito ang nasungkit ng Lingayen.
Ang ROAD SAFETY PARTNER AGAINST DISTRACTED DRIVING at ROAD SAFETY AGAINST DRUNK DRIVING at igawad sa lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng isang virtual recognition na isinagawa ngayong Mayo 20, 2021.
Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Leopoldo N. Bataoil sa tanggapan ng LTO dahil sa pagkilala nito sa mga inisyatibo at mga programa ng LGU Lingayen lalo na sa usapin ng road safety.
Makakaasa aniya ang naturang tanggapan na ipagpapatuloy nito ang pagsulong ng kampanya upang mabigyan ng tamang kaalaman ang mga drivers sa bayan at maiwasan ang pagtaas ng bilang sa mga road crashes tulad na lamang ng : Anti-Drunk and Drugged, Seatbelt, Helmet, Distracted Driving at Children’s Safety Laws.
Kinalala rin ng alkalde ang inisyatibo at trabaho ng Lingayen Police Station at Public Order and Safety Office (POSO) Lingayen sa pagpapatupad ng mga batas trapiko at kaayusan sa lansangan. (MIO)