Sa pangunguna ng Lingayen Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO)
Matagumpay na isinagawa ang isang Coordination Meeting, kasama ang iba’t ibang private at public school heads bilang DRRM coordinators ngayon, Hulyo 9, 2025, sa Lingayen Evacuation Center Conference Room.
Layunin ng pagpupulong na tiyakin ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at ng mga pasilidad ng mga paaralan sa gitna ng banta ng masamang panahon ngayong tag-ulan.
Tinalakay ang mga mahahalagang usapin gaya ng:
☑️ Lagay ng panahon at lokal na panganib
☑️ Patakaran sa class suspension batay sa DepEd at DILG guidelines
☑️ Early warning and communication systems
☑️ Paggamit ng mga paaralan bilang evacuation centers
☑️ Kahandaan at koordinasyon sa pagtugon sa sakuna
Patuloy ang paghahanda at pagtutulungan ng bayan ng Lingayen para sa ligtas at handang komunidad lalo na ngayon na panahon ng tag-ulan.
(/LDDRMO)
Please click link for more information:
https://www.facebook.com/share/1LvEDx1M4R/