Skip to main content

“Safety Festival Rides” Inspection Team, Binuo Upang Siguruhing Ligtas ang Paggamit ng mga Tatangkilik Dito

Ipinag utos ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ang inspeksyon ng mga itinatayong amusement rides o carnival rides bilang preparasyon sa sa mga pagdiriwang simula ngayong “ber” months.
Nagsanib puwersa ang tanggapan ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office o LDRRMO, Municipal Engineering Office (MEO), Municipal Assessor’s Office, Public Order and Safety Office (POSO), Municipal Health Office (MHO), Bureau of Fire Protection (BFP) at Lingayen Police Station upang inspeksyunin ang mga ‘rides’ na bahagi ng binubuong carnival sa loob mismo ng Lingayen Civic Center.
Ayon kay Mayor Bataoil, kinakailangang masiguro ang kaligtasan ng mga kababayan bago tuluyang payagang maging fully operational ito sa publiko.
Kabilang sa mga mabusising tiningnan ngayong ika-11 ng Oktubre, 2023 ay ang safety standards nito, security plan, evacuation plan, business permit at iba pa. Sa katunayan, personal pang sinakyan ng inspection team ang ilan sa mga nabuong carnival at festival rides upang matiyak na ligtas itong gamitin.
Ilan sa mga maaaring makita at masubukan ay ang mga sumusunod:
1. PROFESSIONAL GOKART
2. VIKINGS
3. INFLATABLES
4. OCTOPUS
5. FLYING ELEPHANT
6. FLYING CARPET
7. HORROR HOUSE
8. VIRTUAL REALITY GAMING
9. ARCADE GAMES & PARLOR GAMES
10. LANTERN WHEEL
Ayon kay Mayor Bataoil, napakahalagang sumailalim ang lahat nang ito sa assessment at inspeksyon upang maiwasan ang anumang aberya at aksidente lalo na’t inaasahang magiging atrasksyon ito sa mga kababayan partikular na sa mga kabataan.
Ayon kay Municipal Engineer Silvester Tapia, magiging regular ang monitoring ng binuong inspection team sa lahat ng mga rides bago at sa oras na ito’y mag-operate na, ito ay sa mahigpit na utos na rin ng alkalde at ni Municipal Administrator Roberto Sylim.
Tiniyak din ng lokal na pamahalaan na maglalaan ito ng security at emergency response team na aantabay hindi lamang sa mga carnival rides ngunit para na rin sa kapakanan at kaligtasan ng publiko. (MIO_MRLVinluan)
📸MIO/KPaulo/CCacondangan

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan