
SAFETY SEAL CERTIFICATION KAILANGAN MAIPASA NG MGA ESTABLISYEMENTO KASABAY NG KINAKAHARAP NA COVID-19
Nakatakdang ilunsad ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen ang bagong guidelines para sa pag aapply ng Safety Seal Certification Program sa mga business sectors o nagmamay-ari ng mga establisyimento dito sa bayan.
Alinsunod na rin ito sa Joint Memorandum Circular 21-01 series of 2021 na inilabas kamakailan ng Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Tourism (DOT) at Department of Health (DOH).
Nakasaad dito na maaaring mapalawig ang capacity sa mga naturang establisyemento kung makaka-comply ang mga ito sa safety seal certification program ng pamahalaan.
Ngunit bago tuluyang bigyan ng sertipikasyon, kinakailangan muna na sundin ng mga business owner ang sumusunod na hakbang:
Step 1 (PERFORM SELF ASSESSMENT)
-magsagawa ng self-assessment sa kanilang sariling establisyemento ang mga may ari nito base sa itinakdang checklist.
Step 2 (BY APPLICATION)
-Kapag tingin ng business owner ay pabor o nakasunod na sila sa public health standards, maaari na silang mag-apply o magpa-iskedyul ng aktuwal na inspection sa Municipal Business and Permits Licensing Office (BPLO Lingayen) gamit ang contact number: 0977-617-4529.
-Ang Inspection and Certification Committee (ICC) ay mag-iischedule ng inspeksyon sa business establishment. Bago pa man, ang aplikante ay aabisuhan ng araw at oras ng inspeksyon.
STEP 3 (CERTIFICATION)
-kapag compliant o nakapasa sa isinagawang assessment ang business establishment, dito na igagawad ang Safety Seal Certificate.
Ngunit paglilinaw ng Lokal na Pamahalaan, bago tuluyang makuha ang safety seal, kinakailangan munang kompletuhin ang sumusunod na requirements:
1. Valid Business Permit
2. Registration sa digital contact tracing application na StaySafe.ph
3. Pagsunod sa mga itinakdang Minimum Public Health Standards
Magpapatuloy ang monitoring ng inspection team sa loob ng anim buwan para matiyak na tuloy-tuloy ang compliance sa implementation ng public health protocols ngunit maaari din itong magsagawa ng biglaang inspeksiyon sakaling makatanggap ng reklamo mula sa publiko.
Maaari ding irenew ang ang safety seal isang buwan bago ang expiration nito.
Samantala, narito ang listahan ng mga business establishments na maaaring mag-apply ng safety seal:
1. Malls
2. Wet Markets
3. Other Retail Stores
4. Restaurants Outside Hotels/Resorts
5. Fast Food, Eateries, Coffeeshops, etc.
6. Banks, Money Changers, Pawnshops, Remittance Centers
7. Car Wash
8. Laundry Service Centers
9. Art Galleries, Libraries, Museums, Zoo
10. Sports Centers
11. Tutorial, Testing, and Review Centers
12. Gyms
13. Spas
14. Cinemas
15. Arcades
16. All other private establishments
Ang Safety Seal Certification Program na ito ay isang pamamaraan bilang pagpaptunay na ang mga pasilidad na ito ay nainspeksiyon na at nakumpirmang sumusunod sa minimum health standard at gumagamit ng contact tracing application. (MIO)