Skip to main content

SALUDO SA KABAYANIHAN AT KATAPANGAN!

Isang taos-pusong pagpupugay ang inihahandog ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen kay Colonel Gerlad S. Bautista ng Philippine Navy (Marines) sa kanyang pagtanggap ng prestihiyosong Distinguished Conduct Star!
Si Col. Bautista na nakapangasawa at kasalukuyang residente ng Brgy. Domalandan East, ay pinarangalan bilang pagkilala sa kanyang natatanging pamumuno bilang Commanding Officer ng Marine Battalion Landing Team-7 noong kasagsagan ng Marawi Siege noong 2017.
Tunay na inspirasyon ang inyong tapang para sa bawat Pilipino. Saludo po kami sa inyo at maraming salamat sa inyong serbisyo!

#MIOLingayen
#IDAYewTayoyLingayen
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1JZmo5qEe1/

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan