SALUDO SA KAGITINGAN, MALASAKIT SA KALIKASAN!
Ngayong Araw ng Kagitingan April 9, 2026, nakiisa ang Pangasinan Police Provincial Office sa ilalim ng pamumuno ni PCOL ARBEL C MERCULLO, katuwang ang Lingayen MPS sa pangunguna ni PLTCOL JUNMAR C GONZALES, COP, sa ginanap na “Lakad Kalayaan” na pinangunahan ng 104th Community Defense Center.
Ang aktibidad na ito ay hindi lamang pag-alala sa kasaysayan, kundi isang buhay na pagpapakita ng pagkakaisa ng iba’t ibang sektor ng lipunan. Matapos ang makabuluhang seremonya, agad na isinagawa ang isang Coastal Clean-Up bilang konkretong hakbang sa pangangalaga ng ating kalikasan at mga dalampasigan sa Lingayen.
Sama-samang Naglingkod:
Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) – Lingayen Branch
Ating mga kagalang-galang na Beterano
Reservists ng 104th RRIBn
ROTC Cadets mula sa iba’t ibang SUCs sa Western Pangasinan
Mga miyembro ng PNP at BFP
“Sa pamamagitan ng ganitong mga aktibidad, naisasapuso natin ang kadakilaan ng ating mga beterano para sa pagtamasa natin ng tunay na kalayaan.”
Tunay na ang diwa ng kagitingan ay hindi lamang nasa pakikidigma, kundi nasa araw-araw nating pagtulong sa kapwa at pag-aalaga sa ating inang bayan.
#BagongPNPparaSaBagongPilipinas
#serbisyongmabilistapatatnararamdaman
#PulisNgRegion1MaasahanMalalapitanMapagkakatiwalaan
#PulisNgPangasinanMagalingAtMaaasahan
#ToServeandToProtect
#ASEANAPOL
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1BWKgQRP1o/









