SAMPUNG TRASH BINS IPINAGKALOOB NG ISANG NGO SA BAYAN NG LINGAYEN
Malugod na tinanggap ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen ang sampung (10) trash bins na donasyon ng ASA Philippines Foundation, Inc. ngayong araw, Pebrero 15, 2022.
Bahagi ito ng community outreach program ng naturang grupo alinsunod na rin sa kanilang adbokasiya na mapanatili ang kalinisan at mapangalagaan ang kalikasan.
Ang ASA Philippines Foundation ay isang Micro Finance Institution kung saan tumutulong sa mga nangangailangan tulad ng mga nagnenegosyo na kailangan ng puhunan.
Present sa isinagawang Trash Bin Turn-Over Ceremony si Mayor Leopoldo N. Bataoil kasama si Vice Mayor Judy Vargas Quiocho at ang chairman ng Committee on Environment na si Councilor Rasel Cuaresma.
Sa kanyang maikling mensahe sinabi ni Ginoong Donjiel Hispano, Deputy Director ng ASA Philippines Foundation, parte lamang ng kanilang community outreach program ang pamamahagi ng mga naturang trash bins sa iba’t ibang bayan. Isa rin umano ito sa kanilang ipinagmamalaki lalo na sa usapin ng social responsibility para sa komunidad at kalikasan.
‘Marahil simple lang ito sa karamihan but then malaki po ang community factor nito para mabawasan ang pollution sa kalikasan’ pahayag ni Hispano.
Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Bataoil sa naturang donasyon at umaasa itong makakatulong ang mga ipinamahaging trash bins upang lalo pang mapagtibay ang inisyatibong mag recycle at mapanatili ng kalinisan ng kapaligiran.
‘I am very thankful for this gesture of an NGO and this is one step towards our goal in support of our various environmental program.’ ani Mayor Bataoil.
Samantala, narito ang mga tumanggap o recipient ng naturang Trash Bins:
-Lingayen Public Market (3)
-Lingayen Baywalk (4)
-PNP Station (1)
-General Services Offices/GSO (1)
-Lingayen Civic Center (1)