Skip to main content

SAP 2 DISTRIBUTION, SINIMULAN NA

Matapos ang higit isang buwan na pagkaantala, opisyal nang nasimulan ang distribusyon ng second tranche ng Social Amelioration Program (SAP) sa bayan.

Tinatayang nasa dalawang daan na benepisyaryo mula sa apat na Barangay ang nakatanggap ng ayuda ngayong araw, Agosto 11, 2020.

Sa kanyang maikling mensahe, pinaalalahanan ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ang bawat benepisyaryo na maging responsable sa paggamit ng nakuhang pera.

Hiling nito sa kanyang mga kababayan na nakatanggap ng ayuda sa ilalim ng SAP na gastusin sa tama ang nakuhang ayuda at huwag sayangin o ilaan sa mga iligal na gawain.

“Gamitin ninyo ang pera sa tamang paraan. Gamitin ninyo ito sa inyong mga pamilya, sa inyong pangkabuhayan. Sana maging responsable tayong mga benepesyaryo” ani Mayor Bataoil.

Pinasalamatan din nito ang mga frontliners tulad ng mga empleyado ng munisipalidad at hanay ng PNP dahil sa kanilang mga sakripisyo at dedikasyon sa trabaho sa kabila ng banta ng COVID-19.

Nangako din ito sa kanyang mga kababayan na ipagpapatuloy ang pagbibigay serbisyo publiko dahil ito aniya ang kanyang sinumpaang tungkulin.

“Walang covid ang makakapigil sa atin upang ibigay ang maayos na serbisyo sa inyo. Ito ang aking ginampanang tungkulin kaya ito ang ibibigay ko sa inyo”.

Samantala, nagbanta naman ito na ipapaaresto ang sinumang indibidwal na mapapatunayang ginamit sa iligal na aktibidad ang makukuhang ayudad.

Unang nabigyan ngayong araw ang mga benipisyaryo mula sa Brgy Aliwekwek, Brgy Baay, Brgy Balococ at Brgy Balangobong.

✅ Habang ang schedule ng iba pang barangay, ay ia-abiso ng MSWDO o sa pamamagitan ng inyong mga Punong Barangay kapag inilabas na ng DSWD Regional Office. (MAGHINTAY LAMANG PO NG ANUNSYO)

Katuwang ng DSWD at MSWDO sa pamamahagi ng ayuda para sa mga benepisyaryo ng SAP ay ang mga Financial Service Providers (FSPs) tulad ng Cebuana Lhuillier at Western Union. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan