Schistosomiasis Awareness and Mass Drug Administration Month
Ang schistosomiasis ay isang sakit na dulot ng parasitong bulate na nakukuha sa maruming tubig-tabang tulad ng ilog, sapa, lawa, at irigasyon na may kuhol (snail).
Paano ito nakukuha?
✅ Pagligo, paglangoy, o pagtawid sa kontaminadong tubig-tabang
✅ Paggamit ng tubig mula sa ilog o sapa para sa araw-araw na gawain
Paano ito maiiwasan?
✅ Iwasan ang paglangoy o paglublob sa maruming tubig-tabang
✅ Gumamit ng malinis at ligtas na tubig
✅ Makilahok sa Mass Drug Administration (MDA) at uminom ng libreng gamot
✅ Panatilihing malinis ang kapaligiran
Ang gamot sa MDA ay ligtas, libre at epektibo.
Sama-sama nating protektahan ang ating pamilya at komunidad laban sa schistosomiasis.
Click here: https://www.facebook.com/share/p/14XpSFgpcKG/