Seal of Good Local Governance (SGLG) Validation sa Bayan ng Lingayen
SEPTEMBER 2, 2022: Isinagawa ang Seal of Good Local Governance (SGLG) Validation sa bayan ng Lingayen sa pangunguna nina National Validation Team LGOO VI Kristine T. Cortez at LGOO II Francis Gabriel Juaton mula pa sa Rehiyon VIII.
Mainit naman ang naging pagsalubong ng buong LGU Lingayen sa pamumuno ni Mayor Leopoldo N. Bataoil, buong Sangguniang Bayan kasama si Vice Mayor Mac Dexter Malicdem at iba’t ibang departamento, kawani at mga barangay.
Nakaalalay naman sa buong proseso si Lingayen MLGOO Gabriel Cornel. Nagsagawa ng entrance briefing, table assessment,
interviews at on-site validation para sa mga sumusunod na SGLG indicators:
Financial administration and sustainability;
Disaster preparedness;
Social protection and sensitivity;
Sustainable education;
Health compliance and responsiveness;
Business-friendliness and competitiveness;
Safety, peace and order;
Environmental management;
Tourism, heritage development, culture and the arts; and
Youth development.
Ang SGLG o RA 11292 ay programa ng DILG na ngayon isa ng batas na naglalayong paigtingin ang tapat at mahusay na pagganap ng mga tungkulin ng mga lokal na pamahalaan. (MIO)
📸 MIO/DDeguzman/CCacondangan/DjEstrada