Skip to main content

SGLG Validation Pinaghahandaan ng Lingayen

Puspuan ngayon ang ginagawang paghahanda ng lokal na pamahalaan ng Lingayen para sa Seal of Good Local Governance o SGLG 2023 .
Ito’y upang maabot at makamit pa rin ng LGU ang pamantayan katulad ng mga nagdaang taon.
Bukas, Setyembre 28, 2023 inaasahang isasagawa ang ebalwasyon o assessment kaugnay sa iba’t ibang aspeto na kinakailangang matugunan upang makamit muli ng lokal na pamahalaan ang prestihiyosong parangal.
Ang SGLG ay ang pinakamataas na parangal na iginagawad ng Department of Interior and Local Government sa mga lokal na pamahalaang nagpakita o nagpamalas ng kahusayan at katapatan sa iba’t ibang aspeto ng serbisyo publiko. Kabilang na rito ang sumusunod:
-Financial Administration and Sustainability
-Disaster Preparedness
-Social Protection and Sensitivity
-Health Compliance and Responsiveness
-Sustainable Education
-Business-Friendliness and Competitiveness
-Safety, Peace and Order
-Environmental Management
-Tourism, Heritage, Development, Culture and Arts
-Youth Development
Una nang pinulong ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ang mga kawani ng munisipalidad partikular na ang mga department managers at kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya upang masinsinang matalakay ang mga nabanggit na pamantayan at makapasa pa rin sa key standards ng DILG.
Umaasa ang naturang alkalde na muling makakamit ng lokal na pamahalaan ang naturang parangal dahil naniniwala umano ito na patuloy na tumatalima ang LGU Lingayen sa mga dapat tugunan ng isang pamahalaan lalo na ang mahusay at maayos na serbisyo para sa mga kababayan. (MIO/MRLVinluan)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan