Skip to main content

SHRIMP FRY FINGERLINGS IPINAMAHAGI NG BFAR

Pinagkalooban ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR ang 110 na mangingisda sa bayan ng tinatayang 638,000 pirasong shrimp fry fingerlings upang matulungan na makapagsimulang muli ng kanilang negosyo.
Ang mga nasabing fingerlings ay nagmula pa sa regional office ng BFAR at naipamahagi ngayong araw ng Lunes, Abril 3, 2023 sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Lingayen at Municipal Agriculture Office.
Nagsilbing benepisyaryo nito ay ang mga kababayang fish pond operators mula sa mga sumusunod na barangay:
Barangay No. of Affected Fisherfolk
Basing 3
Dulag 2
Matalava 2
Libsong East 15
Libsong West 1
Dorongan 5
Domalandan Center 25
Namolan 7
Naguelguel 9
Estanza 27
Capandanan 6
Malimpuec 5
Bantayan 2
Balococ 1
Nilinaw ng MAO Lingayen na ang nasabing aktibidad ay bilang paunang ayuda ng BFAR sa mga mangingisdang naapektuhan ng Typhoon Florita noong nakaraang taon. Lahat din aniya ng nabigyan ng alokasyon ay pawang mga registered fisherfolk sa bayan at may fishpond na pwedeng gamitin.
Sa huli, hinikayat ang mga mangingisda na tiyakin ang tamang disposisyon ng mga fingerling sa kani-kanilang palaisdaan upang maparami ang mga ito at mapalago ang kanilang negosyo. (MIO)
Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan