Skip to main content

Sikad Pilipinas Nakarating na sa Capital Town

Dumating sa bayan ng Lingayen si Neiljay Matunding aka Sikad Pilipinas —ang bente tres anyos na binata na nililibot ang buong bansa gamit ang kanyang bisikleta o mas kilala sa tawag na “sikad”.

Ginagawa ito ng naturang indibidwal upang ipromote ang kanyang adbokasiya patungkol sa karapatang pang matanda o elderly rights pati na ang panawagan sa gobyerno na ipasa ang batas na House Bill 4696 or Anti-Elderly Abuse Act.

Mismong si Municipal Information Officer Mae V. Rueda ng lokal na pamahalaan ng Lingayen ang kumapanayam kay Matunding at personal itong nagbahagi ng kanyang kwento sa likod ng pagpapadyak nito.

Ayon kay Neiljay na tubong Don Carlos, Bukidnon, nagsimula ang kanyang paglalakbay taong 2022. Mula Bukidnon ay binisekleta nito ang Maynila upang ireport sa isang kilala at sikat na sumbungan ng bayan ang pang aabusong naranasan ng kanyang lola mula sa mga anak nito. Agad naman umano itong naaksyunan ngunit makalipas lamang ang isang taon ay muli na naman itong inabuso. Ito na aniya ang naging daan upang ituloy niya ang pagbibiseklata at paglilibot sa buong Pilipinas sa pag-asang mapapakinggan ng gobyerno ang kanyang hinaing.

“Ako po ay isang apo at witness po ako sa pagiging isang biktima po ng lola ko sa elderly abuse kaya nagboluntaryo po ako na ikutin ang buong Pilipinas para po suportahan yong batas ng Anti-Elderly Act. Yong lola ko po nong 2022 ay inilapit ko po sa Ugnayan kay Raffy Tulfo nagbike po ako Bukidnon to Manila so tinulungan naman po. Binigyan ng pabahay ang lola ko kaya lang po inabuso ulit ng mga anak (binenta po yong bahay na bigay sa kanya) kaya po dumating sa buhay ko itong Anti Elderly Abuse Act na ngayon ay ginampanan ko”.

Enero 5, 2023 noong kanyang mapagdesisyunan at pormal na nitong sinimulan ang muling paglilibot sa bansa. Dito na rin nabuo ang kanyang movement na SIKAD o Strong Intelligent Knowledge Action Dedication. Mula aniya sa nasabing araw ay napuntahan na nito ang 29 na probinsya at pang 30 na ang Pangasinan.

“Sa ngayon pang 30 na ang Pangasinan na province sa list po ng movement ko seeking a support and (asking) the attention of our government po para maaprubahan nila yong batas kasi pending pa po” pahayag ni Matunding.

Naniniwala si Matunding sa hubo’t hubad na katotohanang marami sa mga senior citizen ang nakararanas nang pang-aaabuso sa mga taong dapat nag-aalaga sa kanila kung kaya’t patuloy ang kanyang panawagan na ipasa na ang batas na po-protekta sa mga matatanda. (MIO_MRVinluan)

***Maraming salamat sa pagbisita sa bayan ng Lingayen, Neiljay!
Para sa ibang impormasyon patungkol kay Matunding at kanyang adbokasiya, maaaring bisitahin ang kanyang personal na social media accounts:

Facebook:
https://www.facebook.com/profile.php?id=100078962003300
Sikad Pilipinas 69 Days Bukidnon to Manila

YouTube: https://www.youtube.com/@69daysbukidnontomanila/videos
Tiktok: @69daysbukidnontomanila

https://www.tiktok.com/@69daysbukidnontomanila
MIO/GcRueda/MVR

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan