
SK CHAIRMAN JASPER PASION, KONSEHAL NA!
Pormal nang nanumpa sa tungkulin bilang konsehal ng bayan ng Lingayen si dating Maniboc Sangguniang Kabataan Chairperson Jasper Pasion sa harap mismo nI Pangasinan Governor Amado “Pogi” I. Espino, III noong ika-15 ng Hulyo, 2020.
Ito ay matapos mapagdesisyunan ng kanyang partido noong nakaraang halalan na siya ang humalili sa iniwang pwesto ni Engr. John Silvester “Teng Tapia sa konseho kamakailan.
Kasalukuyan na kasing pinamumunuan ni Tapia ang Municipal Planning and Development Office (MPDO) matapos ding mabakante ang posisyon ng depatment head ng tanggapan.
Si Pasion ang ibinoto ng majority ng kanyang mga kasamahan sa partido na kinabibilangan din ni Tapia para maging bahagi ng Sangguniang Bayan (SB) ng Lingayen.
Matatandaang number 9 si Pasion noong nakaraang eleksyon bagay para di siya mapabilang sa mga nagwaging konsehal at manatiling SK chairman ng kanyang barangay.
Subalit maituturing umanong plano ng Nasa Itaas ang pagkakataong ito na hindi rin niya inasahang mangyayari isang taon matapos ang halalan. Pinasalamatan din niya ang lahat ng nagtiwala sa kanyang kakayanan at sa oportunidad na dumating sa kanyang buhay politika.
Malugod namang binati ni Mayor Leopoldo N. Bataoil si Pasion sa kanyang tanggapan kahapon kasama ang mga department heads at tiwalang magagampanan nito nang maayos ang kanyang bagong tungkulin.
Naroon din upang i-welcome si Pasion, ang kanyang mga magiging kasamahan sa SB na pinangungunahan ni Vice-Mayor Judy Vargas-Quiocho. (MIO)
CTTO