Skip to main content

Social Pension ng mga Indigent Senior Citizens

Sinimulan nang ibigay ng Department of Social Welfare and Development Office DSWD Region 1 katuwang ang LGU Lingayen ang Social Pension ng mga indigent senior citizens dito sa bayan.

P3,000 o katumbas sa P500 na buwanang social pension mula Hulyo hanggang Disyembre 2021 ang natanggap ng tinatayang nasa 993 na senior citizens mula sa mga sumusunod na barangay: Dulag, Aliwekwek, Matalava, Naguelguel, Basing, Lasip, Malawa, Wawa, Namolan, Quibaol, Tumbar at Rosario noong November 17, 2021.

Nakatakda namang ibigay ngayong araw, Nobyembre 18, ang pension ng mga senior citizens mula sa brgy. Baay, Domalandan East, Balococ, Estanza, Capandanan, Domalandan West, Talogtog, Domalandan Center, Bantayan, Sabangan, Malimpuec at Balangobong.

Habang sa Nobyembre 19 naman ang itinakdang iskedyul ng Brgy. Tonton, Poblacion, Libsong East, Libsong West, Maniboc, Pangapisan Sur, Pangaspisan North at Dorongan.
Ayon sa Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO Lingayen, ang mga benipesyaryo sa naturang programa ay ang mga matatandang walang pinagkakakitaan, walang tinatanggap na pensyon tulad na lamang ng GSIS at SSS at wala ding natatanggap na sustento mula sa kamag-anak.

Kasabay ng naturang pamamahagi ay ang panawagan din ni Mayor Leopoldo N. Bataoil sa mga benipesyaryo na na gamitin ng wasto ang kanilang natanggap na social pension tulad na lamang sa pagbili ng kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at kanilang maintenance na gamot.

Maliban dito, makakaasa din umano ang mga senior citizen ng dagdag na tulong mula sa lokal na pamahalaan at patuloy na suporta sa mga adhikain at programa ng mga nakakatanda.
Samantala, cash at payroll based ang pamimigay ng social pension na ginanap sa bawat covered court ng mga nabanggit na barangay. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan