Skip to main content

SOMA NI MAYOR BATAOIL, PUNO NG PASASALAMAT

SOMA NI MAYOR BATAOIL, PUNO NG PASASALAMAT

“Thank you people of Lingayen.”

Ito ang isa sa mga madamdaming linya na binitiwan ni Mayor Leopoldo N. Bataoil matapos ang matagumpay nitong Ulat sa Bayan o State of the Municipality Address (SOMA) ngayong ika-29 ng Hulyo 2024 sa Lingayen Civic Center.

Ang naturang programa ay sumasalamin sa mga nagawa ni Mayor Bataoil simula noong mahalal ito bilang alkalde ng bayan taong 2019 hanggang sa kasalukuyan.

Sa kanyang ulat ay ibinahagi ng alkalde ang mga programa at proyektong naisakatuparan sa ilalim ng kanyang termino sa larangan ng edukasyon, kalusugan, turismo, kabuhayan, kabataan, kapaligiran, at kaligtasan ng mga Lingayense. Lahat aniya ito ay naka-angkla sa Seal of Good Local Governance o SGLG na isa sa mga pinakamataas na parangal na ibinibigay ng DILG sa mga natatanging LGUs.

Malugod ring inihayag ni Mayor Bataoil ang mga parangal at pagkilalang natanggap ng Lingayen na dati’y kabilang lamang sa mga planong kaniyang ibinahagi sa unang termino bilang alkalde. Aniya, “All we have envisioned together have gained traction in terms of good governance, expanding local economy, resilient people, and better environment.”

Dagdag pa ng alkalde, hindi rito nagtatapos ang mga programa at proyekto ng lokal na pamahalaan para sa taong bayan bagkus ay inilahad pa nito sa pamamagitan ng isang audio-visual presentation na naglalaman ng kanyang mga plano para sa mga susunod na mga taon.

Sa pagtatapos ng kanyang ulat sa bayan, nanawagan naman si Mayor Bataoil sa mga kababayan na ipagpatuloy ang kanilang aktibong pakikibahagi o pagiging participative sa pagpapatupad sa mga hangarin tungo sa ikauunlad ng bayan ng Lingayen. Malaki ang kaniyang pasasalamat sa taongbayan dahil naniniwala siya na ang tinatamasang tagumpay ng lokal na pamahalaan ay bunga ng pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat mamamayan.

Samantala, bilang kanyang bise alkalde, nagpa-abot din si Vice Mayor Dexter Malicdem ng kanyang taos pusong pasasalamat sa alkalde lalo na umano sa pagpapakita nito ng kabutihan at kahusayan hindi lamang bilang isang lider ngunit bilang ‘Ama ng Lingayen’.

“Since Day 1 of his administration last July 2019, he has demonstrated exemplary leadership and unwavering commitment to public service. Iba iba man ang pinanggalingan, ipinakita ni Mayor na iisa lang din ang aming hangarin para sa bayan.” ani VM Malicdem.

Una nang inihayag ni Mayor Bataoil na maaring ito na ang huling SOMA niya bilang alkalde ng Lingayen ngunit hindi naman kinumpirma kung ano ang magiging plano nito pagkatapos ng kanyang termino. (MIO_MRVinluan/JPBayog)

MIO

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan