Skip to main content

SPECIAL EDUCATION FUND TINIYAK NA PAKIKINABANGAN NG MGA PAARALAN

Itinurn-over ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pamumuno ni Mayor Leopoldo N. Bataoil sa tatlong school districts sa bayan ang ilang mga school supplies, computers at iba pang equipment na pakikinabangan ng mga guro at mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa bayan.

Ito ay mula sa pondo ng Special Education Fund (SEF) na taon-taong alokasyon ng LGU  para sa sektor ng edukasyon, na inilalaan naman sa mga pangangailangan base sa rekomendasyon ng school board. Ang mga nasabing supplies ay ibinahagi sa District 1, District 2 at District 3 na tinaggap ng kanilang mga kinatawan kasabay nang isinagawang flag raising ceremony ngayong Agosto 8, 2022.

Nakatanggap ng suplay ng coupon bond, computer ink, tablet, laptop, water pump at grass cutter ang Lingayen District 1. Habang  school office supplies, ICT Equipment at painting materials ang Lingayen District 2 at student office supplies at ICT equipment din para sa Lingayen District 3.

Bukod pa rito, nabigyan din ng pagkakataon na ayusin o i-repair ang kani-kanilang mga eskwelahan lalo na ang mga classrooms na gagamitin sa pagsisimula muli ng face to face classes

Lubos ang pasasalamat ng mga nabanggit na school districts sa lokal na pamahalaan, kahit papaano umano ay napupunan ang pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan.

Nangako naman ang LGU Lingayen na mas pagbubutihin pa ang pangangasiwa sa pondo at palalawigin ang mga proyektong pang-edukasyon para sa kabataang Lingayenense. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan