Skip to main content

Suportahan ang Gawang Lingayen sa Kauna-unahang Tourism Fair 2025

Halina’t bisitahin ang kauna-unahang “Produkto ng Barangay, Yaman ng Bayan” Tourism Fair 2025! Tuklasin ang mga natatanging produkto at likha ng ating mga kababayan mula sa iba’t ibang barangay.
Ang kaganapang ito ay pinangungunahan nina Mayora Josefina “Iday” V. Castañeda at Konsehal Norman Doroteo, kasama ang iba pang Department Managers. Ang pag-organisa nito ay pinamunuan ng Lingayen Tourism Office, na pinamumunuan ni Ma’am Mae Rueda.
Markahan na ang inyong kalendaryo. Magsisimula ang Tourism fair sa Setyembre 25 at magtatapos sa Setyembre 26, 2025. Ang lahat ng ito ay magaganap sa harap mismo ng Munisipyo ng Lingayen, isang lugar na madaling puntahan para sa lahat.
Ipagmalaki natin ang gawang Lingayen at samahan nating maging matagumpay ang kauna-unahang Tourism Fair na ito.

Click here: https://www.facebook.com/share/p/1AbZdTwimu/

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan