
SUPPLEMENTAL FEEDING PROGRAM PARA SA DAYCARE CHILDREN SA BAYAN PATULOY NA ISINASAGAWA NG DSWD
Muli namahagi ng libreng suplay ng pagkain ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) katuwang ang MSWDO at Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pamumuno ni Mayor Leopoldo N. Bataoil.
Nasa 980 na Day Care pupils mula sa tatlumpung (30) barangay sa bayan ang binigyan ng iba’t ibang uri ng pagkain sa ilalim na rin ng programang Supplementary Feeding Program (SFP) ng pamahalaan.
Ang SFP ay isang probisyon para sa karagdagang pagkain, bukod pa sa regular na tatlong beses sa isang araw partikular na ng mga batang naka-enroll sa mga lehitimong Child Development Centers.
Isinasagawa ito sa loob ng 120 araw, ngunit dahil sa nakararanas ng pandemya sa kasalukuyan, ginawa na lamang itong 60 na araw na may dalawang beses na distribusyon ng pagkain.
Kapag natapos ang animnapung (60) araw na implementasyon ng SFP, tutukuyin ng MSWDO Lingayen kung ang mga benepisyaryo ay tagumpay na napataas ang kanilang nutrisyunal na kalagayan.
Ang bawat day care pupils ay nakatanggap ng mga food packs na naglalaman ng sumusunod:
-1 pack Macaroni Pasta (400-500g)
-1 pack Bihon
-2 cans Canned Tuna
-2 cans Corned Beef
-2 cans Sardines
-1 can Evaporated Filed Milk
-1 pack Vegetable Oil
-1 pack Mongo
-1 pack All Purpose Flour
-2 kl Rice
-1 pack plain rice mongo blend
-1 pack choco rice mongo blend
-1 pack Fortified Rice Porridge, Chicken
-1 pack Fortified Rice Porridge, Beef
-5 pieces egg, medium size
-3 pieces Nutribun, freshly baked
-3 pieces Nutrimilk Choco
Nagpa-abot naman ng kanyang taos pusong pasasalamat si Mayor Bataoil sa tanggapan ng DSWD dahil sa patuloy na pagbibigay ng tulong hindi lamang sa mga kabataan ngunit pati na sa mga kababayang higit na nangangailangan. Payo naman nito sa mga magulang, alagaan, mahalin at maging responsable sa kani-kanilang mga anak.
Ang Supplementary Feeding Program ng DSWD ay naglalayong wakasan ang patuloy na paglobo ng bilang ng malnutrisyon o mga batang wala sa tamang timbang dahil sa kakulangan ng mga masusutansiyang pagkain sa katawan. (MIO)