SUPPLEMENTAL FEEDING SUPPLY IBINAHAGI SA MGA BATANG MAY ESPESYAL NA PANGANGAILANGAN
Tinatayang nasa pitumpung (70) mga kabataang may espesyal na pangangailangan o children with disabilities ang nabigyan ng libreng suplay ng pagkain sa ilalim ng programang Stimulation Therapeutic Activity Center -Breaking Barriers for Children o STAC-BBC ngayong Pebrero 17, 2022.
Nanguna sa nasabing aktibidad sina Mayor Leopoldo N. Bataoil at Vice Mayor Judy Vargas Quiocho katuwang ang tanggapan ng Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO Lingayen.
Ipinamahagi ang mga food packs sa mga benipesyaryong kabataan kung saan laman nito ay ang mga sumusunod:
-Pancake Mix Powder (500g/pouch)
-Misua noodles (1 kilo)
-Biscuits (2 packs)
-Poultry egg medium size (15 pcs)
-Sardines (4 cans)
-Corn Beef (3 cans)
-Evaporated milk (1 can)
– Macaroni, pasta, elbow (1 kilo)
Bagama’t kaunti lamang, inaasahang makakatulong sa mga kabataang may kapansanan ang mga naibigay na food packs upang mapanatili ang tamang nutrisyon ng mga ito lalo na ngayong nakakaranas pa rin ng pandemya.
Tiniyak ng LGU Lingayen na magiging katuwang nito ang mga magulang sa pagbibigay hindi lamang ng mga masustansyang pagkain para sa mga kabataang may espesyal na pangangailangan ngunit pati na rin sa kanilang proteksyon sa kalusugan.
Kapwa naman nanawagan ang alkalde at bise-alkalde sa publiko na iwasan ang diskriminasyon sa mga batang may kapansanan bagkus ay suportahan na lamang ang pagbuo ng positibong imahe ng mga ito. (MIO)