Skip to main content

SUPPLEMENTARY FEEDING PROGRAM, ISASAGAWA SA MGA CDC SA BAYAN

SUPPLEMENTARY FEEDING PROGRAM, ISASAGAWA SA MGA CDC SA BAYAN

Isinagawa ngayong araw, ika-1 ng Pebrero, 2024 ang pamamahagi ng food supplies para sa Supplementary Feeding Program(SFP) na inilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office I para sa mga Child Development Centers (CDCs) sa bayan ng Lingayen.

Layunin ng naturang programa na makapagbigay ng dagdag suporta, lalo na sa masustansiyang pagkain para sa mga batang nasa edad 3-4 years old na naka-enroll sa 37 pampublikong CDCs.

Ang mga benepisyaryo nito ay magkakaroon ng panimulang pagtitimbang na pangungunahan ng mga Child Development Workers (CDWs), kasunod ay ang monthly monitoring hanggang sa matapos ang 120 na araw.

“Tututukan ng programa ang mga batang nasa borderline ng malnutrition at kabilang sa mga ipapamahagi ay mga perishable at non-perishable goods…hinihikayat rin namin ang mga magulang na i-enroll ang mga bata sa CDCs para mas matutukan at matulungan sa pamamagitan ng mga programa ng lokal na pamahalaan,” ito ang naging pahayag ni Ms. Jocelyn G. Rimando, Early Childhood Care and Development Focal Person.

Kabilang sa mga pagkaing ipinamahagi ay prutas, gulay, karne, itlog, tinapay, biscuits, noodles, powdered drink, bigas at iba pa. Inaasahan naman na muling magtutungo ang mga CDWs sa mga nakasaad na petsa para sa distribusyon ng food supplies:

2nd batch- February 27, 2024
3rd batch- April 2, 2024
4th batch- May 2, 2024

Ayon kay Vice Mayor Mac Dexter G. Malicdem, na siya ring kumatawan sa alkalde, nawa’y ang ganitong programa ay makatulong sa mga bata at maging sa magulang na maiayos ang nutritional status at maiangat ang antas ng kasulugan ng mga bata sa bayan. Dagdag nito, nagpapasalamat ang lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Leopoldo N. Bataoil, sa mga sakripisyo at pagsusumikap ng mga Child Development Workers na matulungan at pagsilbihan ang mga batang lubos na nangangailangan ng atensiyong pangkalusugan.
(MIO_JMMangapot)
📸DDeguzman

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan