
Suspendido pa rin ang klase sa lahat ng antas, pampubliko at pampribadong paaralan dito sa bayan bukas, Marso 10, 2020.
Suspendido pa rin ang klase sa lahat ng antas, pampubliko at pampribadong paaralan dito sa bayan bukas, Marso 10, 2020.
Ito’y bilang tugon sa hiniling na ekstensyon ng Department of Education (DepEd) sa bayan upang mabigyan ng mas mahaba pang panahon na masigurong na-sanitize ang mga silid aralan at pasilidad bilang pag-iingat sa banta ng Coronavirus o COVID-19.
Sa inilabas na Executive Order ni Mayor Leopoldo N. Bataoil, ipinag-utos niyang magsagawa ang mga public at private school official ng disinfection at sanitation sa lahat ng pasilidad para maiwasan ang virus.
Tuloy naman ang ginagawang preventive measures ng lokal na pamahalaan ng Lingayen upang mapigilan ang COVID-19 bagaman nananatiling COVID free pa rin ang bayan sa kasalukuyan.
Pinag-iingat ang lahat at inabisuhan na magsuot ng face mask o improvised face cover, ugaliing maghugas ng kamay at gumamit ng hand sanitizers at alcohol.
Ipinapayo din ang pansamantalang pag iwas muna sa mga matataong lugar.
Hiniling din ang kooperasyon ng publiko at iwasan ang pagpapakalat ng fake news at unverified reports upang maiwasan ang panic at pagkalito ng mga kinauukulang nagsasagawa ng contact tracing at case finding.