“Taeng-Bituin”
Sa pagtatapos ng Philippine Space Week, itinatanghal natin ang kakaiba ngunit mahalagang bisita mula sa kalawakan — ang taeng-bituin, o meteorite.
Alam niyo ba? Kapag ang isang bulalakaw — mga munting tipak mula sa asteroid — ay nahila ng ating gravity papasok sa atmospera, ito’y dumadaan sa matinding init at bilis. Karamihan ay nauupos at nagiging liwanag sa langit. Ngunit may ilan, matatag at matapang, na nakaliligtas sa pagsubok ng apoy at ligtas na bumabagsak sa ating mundo. Sila’y tinatawag nating taeng-bituin sa wikang Filipino — mga mahalagang piraso ng kasaysayan ng kalawakan at munting alaala mula sa milyun-milyong milya ang layo upang magkuwento ng mga lihim ng uniberso
Tinawag na…
Hindi luha ng bituin,
Hindi bato ng kalangitan,
Kundi… taeng-bituin —
Kahit anong init, bilis, at pagsubok ang harapin mo,
magpatuloy ka hanggang makalapag ka sa iyong destinasyon.
Dahil tulad ng taeng-bituin,
kapag nakaligtas ka,
magiging bihira, mahalaga,
at kamangha-mangha ka rin.
Be like a meteorite, Kabaleyan!
#LigtasAtAktibo
#LipadPangasinan
#PangasinanPDRRMO
#PangasinanAngGaling
Click here: https://www.facebook.com/share/p/1AWK8aYegU/