Skip to main content

Taos Pusong Nakikiramay ang Lahat ng Bumubuo ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) Pangasinan Chapter

Taos pusong nakikiramay ang lahat ng bumubuo ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) Pangasinan Chapter sa pamumuno ni Lingayen Mayor Leopoldo N. Bataoil sa naulilang mga kaanak nang nasawing magkaka-pamilya sa isang sunog na naganap sa bayan ng Pozorrubio, Pangasinan kamakailan.
Personal na dinalaw ni Mayor Bataoil kasama si Pozorrubio Mayor Kelvin Chan ang burol ng mag-anak at personal namang ipinaabot ang tulong pinansyal sa mga magulang ng mga ito mula sa LMP Pangasinan Chapter at maging ilang relief packs mula naman sa LGU Lingayen.
Dinalaw din ng alkalde ang site kung saan naganap ang sunog at nagpa-abot din ng relief packs sa pamilya ng mga nadamay sa naganap na insidente.
Pakikiramay naman ang ipinaabot maging ng mga opisyal ng LMP Pangasinan Chapter sa lahat ng mga apektado at panalangin upang agad makabangon ang mga ito sa mapait na trahedya.
📸MIO/LMP/GcRueda
Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan